
Ni WALLY PERALTA
MARAMI sa mga supporters nina Carlo Aquino at Lovi Poe ang nag-aabang na kung kailan nila mapapanood ang pelikula ng kanilang mga idolo na may pamagat na ‘Seasons’.
Matagal na ring natapos ng dalawang actor ang naturang movie na kanilang pinagsamahan at halos umabot nga ito sa mahigit na tatlong oras na pelikula. Ano na kaya ang latest sa movie na ito nina Lovi at Carlo, kailan kaya ito maipalalabas?
Dahil sa haba ng pelikula, may mga nag-suggest na sana ay gawin na lang itong series na siya namang kinonsidera ng producer ng naturang pelikula.
“Remember when Carlo and I shot Seasons? We just watched it and I’m feeling extra kilig and excited ‘cause our editors and artistic team are contemplating if we should make the film into a limited series. How cool is that??!”, say ni Lovi.
Maging si Carlo ay agree rin sa ideya na gawin na lang limited series ang movie nila ni Lovi.
“Waaait! Series??!!! Woooop!! Puwede yaan,” say naman ni Carlo sa kanyang socmed account.
Pagdating naman sa pagiging co-actor ni Carlo kay Lovi, pulos positibo ang naging tugon ni Lovi.
“Carlo is a very giving actor. I think you’ll really know na magaling ang isang artista because he knows when it’s your moment ang isang eksena. What was really nice was that he made me feel comfortable, although deep inside, I was really dying dahil nasa-starstruck ako sa kanya.
“Ang sarap katrabaho at ka-eksena ni Carlo. Hindi ko na kailangan i-motivate ang sarili ko,” say pa rin ni Lovi.
***
HUBAD kung hubad ang drama ng baguhang sexy star na si Ayanna Misola. Dahil walang kimi sa paghuhubad ay agad naman napansin ang kakayahan ni Ayanna kung kaya sa kanyang ikatlong pelikula ay ginawa na siyang lead star, sa pelikulang ‘Kinsenas, Katapusan’. Kung matindi ang love scene niya sa launching movie ay ginalingan pa niya ng husto sa trilogy movie nila ni Vince Rillon na ‘L: Larawan’, kung saan sa project na ito ay ginawa niya ang pinahamahabang love scenes kumpara sa mga nauna niyang pelikulang natapos.
Ngayon ay di lang sa paghuhubad susubukan ng mga manonood si Ayanna, kundi sa kanyang galing sa pag-arte, dahilan kasama siya sa limited series na pinagbibidahan nina AJ Raval at Cindy Moreno, ang “Iskandalo” na magsisimula nang magstream sa Vivamas App from April 10 at kada Linggo sa loob ng one season or 10 episodes.
Para kay Ayanna, stepping stone niya lang ang pagiging hubadera pero may isa siyang limitasyon sa tuwinang sasalang siya sa mga maiinit na eksena, walang hipuan sa maseselan parte ng kanyang katawan.
“Okay lang sa akin na ipakita ang katawan ko pero may mga limitasyon ako, hindi puwedeng hawakan ang private parts ko.
Alam ng mga nakapareha ko yan since ‘Siklo’ movie ko, na hindi ko pinapahawakan ang private parts ko!,” ang say ni Ayanna.
The post Lovi Poe di napigilan na na-‘starstruck’ kay Carlo Aquino appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: