
MATAPOS isailalim sa mas pinaluwag na alert level 1 ang NCR at alert level 2 sa mga karatig lalawigan ay parang kabuteng naglipana at nananakot diumano ang nagpakilalang mga ‘kolektong’ ng National Bureau of Investigation itong alyas Boy Go, Gerry Solusiano at Marcial sa mga pergalan (perya-sugalan) at bahay aliwan.
WALA umanong habag at konsensya itong mga kapwa nagpapakilalang “kolektong” ng NBI gamit ang malinis na pangalan ni NBI Director Eric Distor.
Ayon sa reklamo ng mga operator ng TRADISYUNAL na peryahan sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) at metro manila ay puwersahan umanong nanghihingi ng “weekly payola” namay pananakot.
Kinondena naman ng ilang barangay officials ang ginawang pangongotong nina alyas Marcial, Go at Solusiano sa mga bahay aliwan (night club) at peryahan na pansamantalang pinayagan ng LGUs sa nasabing mga lalawigan at siyudad para kumita ng pera habang may pandemya.
Marami sa mga operator ng tradisyunal na peryahan at bahay aliwan ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa sunod-sunod na lockdown dulot ng salot na covid-19 at ngayon pa lamang bumabangon na imbes na tulungan kinokotongan pa diumano ng mga kolektong ng NBI.
Walang kapatawaran ang mali at garapal na gawaing ito ayon sa ilang barangay official na nakapanayam ng BALYADOR.
Ang mga ganitong pangongotong ay gawain lamang ng mga walang konsensiya at batugang tao.
Posibleng nagagamit lamang nina alyas Marcial, Go at Solusiano ang malinis na pangalan ni Distor na di kapani-paniwalang papatol sa ganito kagarapal na diskarte.
Hinihiling din ng ilang barangay officials kay NBI Director Eric Distor na arestuhin sina alyas Marcial, Go at Solusino na ni-name drop ang kanyang pangalan.
Hinihikayat din ng mga barangay officials ang iba pang posibleng kinokotongan nina alyas Boy Go, Gerry Solusiano at Marcial na magsumbong sa mga barangay upang maidukomento ang reklamo nila laban sa tatlong kotongero.
Pwede rin umanong direktang magreklamo sa tanggapan ng NBI at PNP Integrity Management and Enforcement Group (IMEG) sa Camp Crame na responsable sa paghuli at pag-aresto sa mga nangongotong.
Laan umanong tulungan ng mga barangay officials ang kaawa-awang mga operator na magsampa ng reklamo laban sa mga abusado at tiwali sa tanggapan ng NBI at IMEG.
Napag-alaman na P10K kada lingo bilang “payola” ang hinihingi ng tatlong nagpapakilalang sagradong taga NBI na sina alyas Marcial, Boy Go at Gerry Solusiano sa lahat ng mga operator ng pergalan (perya-sugalan) sa mga nabanggit na lalawigan at siyudad.
Sinasabing, “KOLEK-TONG AT LARGE” itong sina alyas Marcial, Boy Go at Gerry Solusiano sa lahat ng illegal vices lalo na sa 1602 sa metro manila, calabarzon at iba pang rehiyon.
Ang ibig sabihin umano ng kolek-tong at large ‘ay ‘yung namamahala sa koleksiyon mula sa iligal tulad ng pergalan (perya-sugalan) at bahay aliwan gaya ng mga KTV bar at night clubs.
Sina alyas Marcial, Go at Solusiano din ang itinuturong mga ‘kolektong’ ng mga operator ng pergalan (perya-sugalan) sa Region 3.
Kumbaga, limpak-limpak na kuwarta na ang nakukuhang “weekly payola” nitong sina alyas Marcial, Go at Solusiano sa kabang yaman ng kanilang inginungusong bossing?
Aba, NBI Director Eric Distor, Sir, bakit nakalulusot sa inyo ang ganyang kostumbre or shall we say ‘raket’ ?!
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.
The post Mga nagpakilalang sagradong “kolektong” ng NBI, naglipana! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: