
NARITO na ang tag-araw. Panahon ng bakasyon, lalo sa mga bata. Kahit nasa bahay, nag-aaral ng online at pwede na silang maglaro kapag breaktime. Para silang mga ibong nakawala sa hawla. Ito’y dahil pahupa na ang panganib ng Covid-19 at dahil marami nabakunahan na. Kaya bata’t matanda ay nagparang bagong laya sa hawla dulot ng ng dalawang taong pagkakakulong sa tahanan. Ang tag-araw ay panahon ng dayo at kapistahan. Ito ang panahon ng pagninilay. Papalapit na rin ang Mahal na Araw. Panahon ang tag-araw ng tag-yaman. Mayabong at hitik ang mga mga bungang-kahoy, sagana rin ang ani.
Sa tag-araw nag-uusbungan ang iba’t-ibang uri ng insekto, at gamit ang taglay nilang bagong anyo at mga kulay, gamit ang mapag-ayong tinig at huni, masigasig sila sa paghahanap ng kanilang ka-uri upang magpakaraya at manatili ang kanilang species. Ganoon kapag panahon ng halalan. Dito masasaksihan ang paglipana ng iba’t ibang uri ng kumakandidato, tangan ang kani-kaniyang palamuti at huni, upang akitin ang botante na sila ang piliin. Makulay at masaya ang mga tunog at tinig nila. Mistulang mga naghehele at humihimas makamit lamang ang matamis mong oo sa balota. Pero, katulad ng makukulay na kulisap, may kalakip na panganib ang mga insekto na matitingkad ang kulay. Sila ang nakakalason, at nagdadala ng sakit.
Maihahalintulad ang pulitiko sa tatlong klase ng insekto. Una, ang parasitiko. Sila ang insektong nangangailangan ng dugo o “parasitic host”. Sila ang insektong dumapo sa kanilang natutukoy, at sipsipan ng dugo. Gawain ito upang mabuhay o magpakaraya ng kanilang uri. Nabibilang dito ang mga lamok, pulgas at garapata. Sinisipsip nila ang dug ng kanilang dinapuhan upang mapawi ang gutom at mabuhay. Nandiyan din ang isang uri ng langaw na tinatawag na “bot fly.” Dumapo sa biktima at nangingitlog. Pag napisa at lumabas ang uod nito, papasok,ito,sa loob ng katawan at kakainin ang biktima mula sa loob. Pagkalaon lalabas ito na isang bagong botfly. May mga putakti din na ganito ang ginagawa. Nanghuhuli ng ibang insekto at itlugan upang magsilbing pagkain ng lumalaki ng larva. Ganito ang ilang uri ng pulitiko. Iyong pakikinabangan ang botante upang sumipsip mula sa kaban ng bayan. Sila ang pinakawalang kwenta at pinakamapanganib na uri ng insektong pulitiko. Sa kanila gatasan ka lang sa kalaunan.
Ang pangalawang uri ay ang kuliglig. Sila ang insektong naririnig natin kapag naglalakad sa parang. Maiingay ito dahil ito ang paraan para marinig sila ng kanilang ka-uri at ipahiwatig ang kanilang presensya. Sa wari ko ito rin ang pinaka-mayabong na uri ng pulitiko. Maiingay, at mabilis ipahiwatig sa madla ang kanilang presensya. NANDITO AKO!!! MAGALING AKO!!! IBOTO NIYO AKO!!! Wala silang ipinagkaiba sa paruparo, na nagpapamalas ng pagiging makulay, bagkos, pareho nilang pinagpiyestahan ang mga dahon sa halamanan. Kumbaga sa pulitiko na katulad nila, maganda at nakakaaliw ang huni, ngunit hanggang doon lang.
Pangatlo ang tipaklong. Ito ay mahirap tuntunan dahilan mailap at patalon-talon. Nagagawa nitong magbago ng kulay ayon sa kapaligiran. Sa anyo pa lang hindi matukoy ang kasarian. Pero isa lang ang tiyak dito. Peste sila sa tanim. Ganito ang ibang pulitiko. Patalon-talon ng partido, lalo na kung nakakakita sila ng pagkakataong makinabang sa bagong napupusuan na lungga. Lalo na kung hindi narendahan. Tandaan maiilap at malakas ang mga pang amoy ng mga tipaklong na iyan. At sa oras na nagbabadya ang panganib sa kanyang nadapuan, naku, mataas pa kay E.J. Obenia lumukso sa kabilang bakod.
Katulad ng hunyango, bigla itong magbago ng anyo at huni ng kakaibang huni. Dito nila ipinamalas ang tunay nilang kulay. Sabi ng marami pwedeng puksain ang mapaminsalang hanep gamit ang pamatay-insekto. Pero may panganib din gumamit ng kemikal ng paulit-ulit. Pati mabubuting insekto mapapahamak. Kailangan gumamit ng bagong sistema. Dahil tulad ng insekto, ang pulitiko ay nagkakaroon ng “tolerance” at hindi na ito naapektohan ng kahit anong batikos, at ang nais lang nito ay manatili sa poder upang patuloy ang pagsipsip nito sa dugo ng taongbayan. Ayaw natin na naglilipana ang kanilang uri. At tulad ng insekto, kailangan gumamit ng pulitiko, at pulitika likas na kalaban. Tulad ng tatlong nabanggit na pulitiko tangkilikin ang likas na kalaban nila.
Ang tumatangkilik ng tamang pulitika na umiiwas sa padrino o “patronage politics” na sang-ayon sa batas at makatao. Mahdaling matugunan ang ganito kung gagamitin ang taongbayan na nagluluklok ng lider na ginagabayan sila hanggang sa huling araw ng kanyang termino. Ang kaalaman tungkol sa tamang pamamahala, sa maikli, pagbigay sa kanila ng “empowerment.” Hindi mangmang ang tao. Alam nila kung ano ang tamang pamamahala. Tumingin lang sila sa mga mata ng kanilang mahal sa buhay batid nila ito. Ang taongbayan ay hindi pakinabang sa inihahalal bagkus, ang pakinabang ng taonbayan sa nahalal ang mahalaga sa kalaunan. Dahil ang pinakamahalaga ay ang mapapala ng kanilang mga mahal sa buhay sa pinili nilang magtitimon ng Bayan.
Malapit na ang halalan. Wag na pumili ng insekto. Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
Mga Piling Salita: “Energy is contagious: either you affect people or you infect people.” – T. Harv Ecker
“Ang pinaka-una kong executive decision na kailangan gawin para patungo sa pag combat ng corruption ‘yung mga taong i-appoint ko sa mga opisina, dapat ang mga appointees hindi appointed dahil sa political considerations, dapat expert sila sa field nila at dapat wala talagang record ng corruption. Yan ang first step.” – Leni Gerona Robredo
“Hindi na EDSA 1986 ito: Ito ang PILIPINAS 2022.” – Pof. Bayani Santos tungkol sa Leni-Kiko political rally sa Pasig City
“Heard people are moved to tears at PasigLaban. EDSA 1 was like that. HOPE. As if your life depends on it. It does.” – Gerard Sison
“Ang sinamahan ni Jesus ay tax collector, hindi tax evader.” – Regidor Yumul
“Huwag masyadong galit sa mga KakamPink rally. Tignan nyo, malinis pagkatapos. Walang basura.” – Jaime Lontoc
***
mackoyv@fmail.com
The post Panahon ng tipaklong appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: