
BABALA: Kapag may tumawag sa inyo na hindi ninyo kilala at nagsabi na grabe ang inyong anak o sinumang kaanak at nangangailangan ng ganitong halaga para agad magamot at mailigtas ang buhay, huwag agad maniwala. Dahil baka scammer yan!
Oo! Isang trabahador ang nagsumbong sa akin. Nadale siya ng scammer. Isang babae ang tumawag sa kanya at nagsabing grabe ang anak niya sa Maynila. Kailangan daw agad itong maturukan ng injection dahil kung hindi ay mamamatay ito sa loob ng dalawang. Magpadala daw ng P4,000 sa Gcash number 09157670532.
Sa taranta ng ama. Hindi na nito tinawagan ang anak para kumpirmahin kung nasa ospital nga ito.
Kaagad itong nangutang ng pera at ipinadala sa naturang Gcash number na nakarehistro sa pangalang Liza R.
Sa response ng Gcash sa sender (tatay) nagrehistro ang buong pangalang Liza Rodillas (ang pinadalhan, 09157670532).
Hindi siguro alam ng punyetang ito na nagrerehistro ang buong pangalan niya kapag nagkumpirma ang Gcash sa sender.
Kung sino man ang nakakilala sa Liza Rodillas na ito na may ganitong cellphone number, ipagbigay alam nyo agad sa pulisya o NBI dahil baka marami pang mabiktima ang demonyang ito.
Sa mga makakatanggap naman ng tawag tulad nito, tawagan nyo muna ang inyong kaanak, kumpirmahin kung nasa ospital nga ito o usisain munang maigi ang tumatawag sa inyo lalo na kung pera kaagad ang hinihingi nito at medyo galit pa kapag tinatanong mo. Istelo ito ng mga scammer. Gugulatin ka para mataranta at magpadala agad ng pera. Okey?
***
‘Submitted for decision’ na pala ang graft case ni dating Romblon governor ngayo’y Congressman Jesus “Budoy” Madrona.
Ito ang chat sa taong nagdemanda kay Madrona na si Lyndon Moleno, kasalukuyang Sangguniang Bayan member ng Romblon island, na nag-foward sa atin ng message na ito:
“Good morning. Fyi, as per Prosecutor Roda Rigos, hearing stage of Buday’s (Jesus “Budoy” Madrona) fertilizer fund scam case is over. Buday et al. have already submitted their formal offer of evidence and the prosecution also submitted its comment. After the resolution of the FOE, parties will be required to submit their memoranda/position paper and case will be deemed submitted for decision.”
Ang fertilizer fund scam na ito ay nangyari noon pang 2004, panahon ni Presidente Gloria M. Arroyo, kungsaan gobernador si Madrona.
Ito ay nagkakahalaga ng P4.86 million. Kasama niya sa graft case na ito ang mga dating provincial official na sina Geishler Fiedacan Fabri, Ruby Fababier, Joel Angcaco Sy, Anthony Rugas, and Oscar Placito Galos. Dismissed na lahat sa trabaho ang mga ito, ang isa sa kanila ay patay na.
Ito’y nag-ugat sa pagbili nila ng abono ng overpriced at hindi pa dumaan sa public bidding.
Sa lahat ng mga nakasuhan sa fertilizer fund scam, isang mag-asawa palang ang napawalang sala. Lahat ay ‘Guilty’, nahatulan ng kulong at pinagbawalan nang makapagtrabaho sa gobierno.
Inaasahang within 90 days ay bababa ang decision ng Sandiganbayan. Abangan!
The post Scammer gumamit ng Gcash, nakilala! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: