Facebook

Rali ni Leni at BBM

HUWAG ihambing ang rali ng Leni-Kiko team sa rali ng BBM-Sara tandem. Sobrang malaki ang diperensiya. Mahihiya ang kampo ni BBM- Sara sapagkat hindi nila kayang pantayan kahit katiting ang diwa ng bolunterismo, pagkamalikhain, at tindi ng enerhiya sa rali ng Leni-Kiko.

Umpisahan sa dami ng mga dumadalo sa kani-kanilang rali. Kahit saan pumunta ang tambalang Leni-Kiko, dumadagsa ang mga tao. Libu-libo at marami sa kanila ang mga kabataan. Walang hakot. Kusang palo ang pagdalo. Kung walang masakyan, hindi sila nag-aatubili na maglakad. Buhay na buhay ang diwa ng bolunterismo. Punong puno ng mga tao ang pinagdausan ng mga rali.

Hindi ganyan kalaki ang rali ng tambalang BBM at Sara. Hinahakot sila. Sinusundo at ibinabalik ng mga sasakyan ang mga tao sa iba’t ibang lugar. May pakimkim mula P200 hanggang P500 kada tao. May take out sa pag-uwi. May mga pack lunch. Dahil nahahalata na hindi dinudumog ang kanilang rali, palaging indoor ang rali. Hindi na sa mga open spaces kung saan may drone na maaaring kumuha ng larawan sa lawak at laki at bilang ng mga dumalo.

Walang kabuhay-buhay ang rali ni BBM-Sara. Mistulang lamay sa patay. Wala ang masigabong sigaw at palakpak kahit si BBM ang nakatayo sa entablado. Upang magkaroon ng saysay ang pagtitipon, ipinakalat ng kampo ni BBM ang mga fake news upang palabasin na daan-daan libo ang dumalo kahit na lima o anim na libo na hinakot ang nandoon sa rali.

Dahil nakaugalian sa tuwing sasapit ang panahon ng halalan, isang malaking pagtitipon ang rali. Hindi nawawala ang kantahan at sayawan. Sa rali ni Leni, hindi umaawit o nagsasayaw ang mga kandidato. Abala sila na ipakilala ang mga sarili sa madla at ipaliwanag ang kani-kanilang plataporma de gobyerno at programa. Inihaharap nila ang mga sarili sa sambayanan. Iniiwan nila ang sayawan at kantahan sa mga propesyonal na entertainer.

Maraming volunteer na entertainer si Leni. Hindi binabayaran at boluntaryong iniaalok ang sarili upang magbigay ng aliw sa mga dumadalo. Masaya ang mga boluntaryong entertainer na kasali sa rali ni Leni. Para sa kanila, isang malaking karangalan ang mabanggit na kasama sila sa rali ng tambalang Leni-Kiko. Naging cultural show ang rali ni Leni. May mga sumasama upang ipakita ang mga katutubong sayaw at iparinig ang naiibang awitin.

Hindi masaya ang rali ni BBM. Hindi sumasama ang mga entertainer sa rali kahit magbayad sila. Napipilitan magtiis ang mga dumadalo sa hindi nakakatawang salita at rap ni Andrew E. na nabalitang nagretiro na sa entertainment. Sumasayaw si Harry Roque, kandidato sa senador, ngunit hindi kinagigiliwan. Isinusuka dahil halatang nagpipilit lang para mapansin.

Kakaiba ang rali ni Leni dahil patuloy na dumadagsa ang napakaraming kabataan. Marami sa kanila ang may mga bitbit na plakard at ipinakikita sa madla. Binigyan halaga ni Leni ang kanila iniyatiba at maraming pagkakataon na binabasa niya ang nakasulat sa mga plakard. Alam niya na ang mga nakasulat ang kalatas ng mga kabataan sa kanya. May campaign staff si Leni na ang trabaho ay kunan ng larawan ang mga plakard upang masuri.

Hindi ganito ang rali ni BBM. Walang pagpapahalaga si BBM sa mga mensahe ng mga kabataan kung mayroon man. Bihira ang nagdadala ng plakard sa rali ni BBM. Lamay sa patay ang kanyang rali. Abala ang mga dumadalo sa paghihintay sa pakimkim na pumapatak sa P200 hanggang P500 kada tao. Iyan ang laro sa rali ni BBM.

***.

MGA PILING SALITA: “Hindi tayo papayag sa armadong rebolusyon. Ang gusto natin ay gobyernong tapat.” – Rep. Cash Cabochan ng Magdalo Party List

“Kapag panahon ng eleksyon, Maraming kandidato ang manliligaw, maraming kandidato na mangangako at sasabihin ng mga kandidato na ‘mahal na mahal ko kayo’ at ‘aasikasuhin ko kayo.’ Pero ang dapat na itinatanong natin sa kanila: ‘noong wala pa ang eleksyon, nasaan kayo?’ Naisipan ba ninyo kaming bisitahin noong hindi pa kayo kandidato? Kapag tinatanong mo, nag-uunahan sila sa pagbisita. Pero noong nakaupo na, hindi mo na sila makikita. Paano natin malalaman kung gagawin ang mga pangako ng mga kandidato?’ – VP Leni Robredo sa pagharap sa mga mamamayan ng Basilan sa Isabela City, Basilan

“Nothing new in BBM counter-propaganda. They are all lies and false claims. These lowlifes keep on parroting lines borrowed from Leni’s. They are truly lowlifes, who don’t have imagination and creative juices and impulses.” – PL, netizen

“Dahil wa feel um-attend ng debate, kaya ang mga troll ngayon, puro fake news ke Leni ang inilalabas nila, pansin nyo?”-Ogie Diaz

“Ignore those surveys. They are the only weapons left for the BBM camp to counter the groundswell of support for Leni-Kiko. “ – PL, netizen

***

NAKAKATAWA ang panukala na ideklara ang RevGov, o revolutionary government. Nagdaos ng pagtitipon sa EDSA ang isang retiradong heneral at isang dosenang katao na hindi malaman kung naiintindihan nila ang ibig sabihin ng RevGov. Hindi sinabi kung sino ang nagdeklara ng RevGov. Si Kulafu? Maiging nagsalita si Delfin Lorenzana at hinigi sa Sandatahang Lakas na huwag pansinin ang retiradong heneral. Tapos ang kwento.

Hindi naiintindihan ng retiradong heneral ang RevGov. Itinayo ni Hen. Emilio Aguinaldo ang pamahalaang rebolusyonaryo ngunit may ama ito – ang Himagsikan ng 1896. Itinayo ni Cory Aquino and rebolusyonaryong gobyerno,ngunit may ama rin ito – ang 1986 EDSA people Power revolution. Walang himagsikan na nagbibigay buhay sa panukala ng retiradong heneral. Ulilang lubos ang kanyang panukalang RevGov. Mabuti at walang nagpaloko sa kanya.

***

ALAY ko ang sanaysay na ito kay BBM at iba pang mga nabuhay sa nakaw na yaman.

WEALTH ADDICTION

Yes, folks, there’s such a thing as wealth addiction. It’s no different from other forms of addiction: sex addiction, drug addiction, nicotine addiction, alcohol addiction, among others. It is a form of deviant behavior. It’s not normative. It’s unusual. It is defined by society as immoral.

What is the moral right of a person to acquire so much wealth to the point of living like a king or queen for 20 lifetimes? This is the key question.

Wealth addicts are characterized by their insatiable desire to acquire wealth by fair or mostly foul means. The tragic irony is that wealth addicts spend the rest of their lives hiding their loot elsewhere. They live in fear; they live in shame. They live under the constant pretension that they did the acquisition through legitimate means.

Our society has many wealthy addicts. Some had lived a life of deprivation in their formative years. Hence, they have overcompensated for that dreaded life by accumulating so much wealth when they finally have the power and means.

The post Rali ni Leni at BBM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rali ni Leni at BBM Rali ni Leni at BBM Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.