
Ni WALLY PERALTA
ILANG araw pagkata pos na pagpistahan ng masa ang interbyu ng ama ni Carla Abellana, na si Rey ‘PJ’ Abellana sa isang sikat na showbiz reporter/vlogger, isa sa sinabi niyang nagkaroon ng ‘one night stand’ ang kanyang manugang bago pa man pumutok ang hiwalayan ng anak at ni Tom Rodriguez.
At nang makarating sa kaalaman ni Tom ang bagay na ito ay agad niyang kinausap ang biyenan at ibinulalas ang kanyang saloobin, and tsikang ‘cry me a river’ pa si Tom kay Rey.
Dito na nga naliwanagan si Rey sa dumating sa kanyang isyu.
“At first may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom. Si Tom naman had already able to explain kay Carla na wala naman din po katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari ‘yun.
So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom side.
So ‘yun po ‘yung scenario ng isyu ng one-night stand napa-short cut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy Fermin,” say ni Rey.
Ibinunyag ni Rey na sobrang mahal na mahal ni Tom si Carla at ang kagustuhan na muli silang magkabalikan na mag-asawa.
“When he came over to talk to me and explain his side- he would cry along with his explanations and everything. And he keeps on saying na he wants his wife back!
“He wants Carla back because he loves Carla very much. That’s why they settled down,” dagdag na say pa ng biyenan ni Tom.
***
WALA talagang malaking nakapupuwing, and winner na naman ang “Little Princess” na si Jo Berry pagkatapos niyang mag-guest sa bagong game show ng Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes, ang pagbabalik sa ere ng “Family Feud”.
Mukhang after Alden Richards na nakasama ni Jo sa teleseryeng “The Gift” ay susunod na makakasama naman ni Jo ay si Dingdong.
Hindi na kasi tinago pa ni Dingdong ang kanyang pagnanais na makasama sa isang proyekto si Jo at isinapubliko pa niya ito sa pamamagitan ng pag-post sa sariling social media account.
Nang nakarating ito sa kaalaman ni Jo ay hindi niya pinalagpas ang naturang post at agad na sinagot.
“It was great to have you on the show! Sana makatrabaho naman kita sa isang drama soap balang araw,” say ni Dingdong.
“@dongdantes nag enjoy po ako! Yes po! sana po magkatrabaho tayo sa isang drama soap,” tugon naman ni Jo.
Marami sa supporters ng dalawang star ang naniniwala na magkakatotoo ang wish nina Dingdong at Jo, eh kasi nga pareho naman silang Kapuso actors.
The post Tom diniin, walang natuloy na ‘one night stand’; Jo type namang tikman si Dingdong after Alden appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: