Facebook

BBM-Sara nangunguna pa rin sa partial/unofficial tally ng Halalan 2022

HINDI nagpapatinag si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangunguna sa katatapos na presidential elections.

Batay sa 9:00 am partial at unofficial na tally nitong Martes, nakakuha si Marcos ng 30,622,302 na boto kumpara sa kalabang si Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 14,611,211 na boto.

Nasa ikatlong puwesto naman si Senador Manny Pacquiao na mayroong 3,541,623 na boto habang nasa ikaapat na puwesto si Manila Mayor Isko Moreno na may 1,861,818 na boto.

Patuloy parin nangunguna sa vice presidential race si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 31,003,239 na boto kontra sa mga kalabang sina Senador Francis Pangilinan na nakakuha ng 9,101,744 na boto at Senator Tito Sotto na nakakuha ng 8,100,944.

Sa pagkasenador, nangunguna si Robin Padilla, pangalawa si Loren Legarda at pangatlo si Raffy Tulfo.

The post BBM-Sara nangunguna pa rin sa partial/unofficial tally ng Halalan 2022 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BBM-Sara nangunguna pa rin sa partial/unofficial tally ng Halalan 2022 BBM-Sara nangunguna pa rin sa partial/unofficial tally ng Halalan 2022 Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.