
Ni BETH GELENA
MARAMI ang nakapansin na bumaba ang timbang ni Tony Labrusca
“Nag-diet ako, then my face got smaller, so tinuloy-tuloy ko na,” he said. “Nagpapayat ako talaga. Bilog ang mukha ko before.
“When I did ‘Glorious,’ gusto ko ‘yung mukha ko noon. Feeling ko ang guwapo-guwapo ko,” natatawang sabi ng aktor.
Looking forward si Tony na makatrabaho si Nadine Lustte.
“I really want to work with Nadine because I like the way she handles herself,” saad ni Tony.
“Feeling ko ang cool niya. Hopefully, one day we can work together. Makikita mo alam niya kung ano ang gusto niya at gagawin niya kung ano ang gusto niya,” dagdag pa ng aktor.
Pero ang pinaka dream role niyang gustong gawin ay isang Filipino superhero na sana ay magawa niya soon.
Ang tanong, ano naman kayang Pinoy superhero ang magagawa niya.
Sa pagkakaalam ko sina Captain Barbell (Herbert Bautista at Edu Manzano at Lastikman ni Vic Sotto) lang ang Pinoy superhero character na alam kong nagawang movie, isama na rin ang Gagamboy ni Vhong Navarro.
***
TONI MAY NAKAAMBANG DALAWANG PROYEKTO SA AMBS
MAY usap-usapan na dalawang proyekto ang nakaamba sa Queen of Multi Media actress-TV host na si Toni Gonzaga kapag nagbukas na ang AMBS (Advance Media Broadcasting System) na pag-aari ni dating senador Manny Villar.
Ang TV host na si Willie Revillame umano ang itinalaga ng dating senador para mamuno ng nasabing network.
Magmula nang mag-volunteer si Toni na umalis bilang host ng Pinoy Big Brother dahil sa pagkondena ng mga kapwa niya celebrities sa ABS-CBN ay iisa na lang ang pinagkakaabalahan ng TV host-aktres, ang kanyang YouTube Channel na Toni Talks.
Samu’t sari kasing reaksyon ang natatanggap at nababasa ni Toni sa kanyang social media account dahil sa paghu-host niya sa UniTeam na pinangungunahan nina Ferdinand ‘BBM’ Marcos Jr. at Davao Mayor Sarah Duterte, ang aspiring President at Vice President ng bansa.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng mga batikos si Toni.
Pero, kahit anong masasakit na salita ang binabato ng mga netizen sa TV host ay dinededma na lang niya ito.
Kumbaga, pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga.
Pabor naman sa mahusay na TV host ang pagiging bingi-bingihan dahil mismong netizens na ang tumigil sa pamba-bash sa kanya.
Nakabuti naman sa misis ni Direk Paul Soriano ang pananahimik.
Ang tanong ng mga netizen, makakabalik pa raw ba si Toni sa Kapamilya kapag natapos.na ang eleksyon 2022?
Sa PBB lang naman daw nagr-esign si Toni at hindi sa network.
Well, well, well, magkakaalaman na lang po kapag nag-announce ang network.
And if wala, baka nga igrab ni.Toni ang nababalitang dalawang programa na in-offer umano ng AMBS kung meron man.
The post Tony inamin, type tikman si Nadine appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: