
IBINASURA na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang tatlong apela o motion for reconsideration na inihain ng mga petisyuner na humihiling na madiskuwalipika si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa May 9, 2022 presidential race.
Ang desisyon ay inilabas ng Comelec En Banc nitong Martes, isang araw matapos ang matagumpay na pagdaraos ng halalan sa bansa noong Lunes.
Sa nasabing desisyon ng en banc, kinatigan nito ang naunang resolusyon na na-promulgate noong Pebrero 10, 2022 at nagbabasura sa inihaing disqualification case laban kay Marcos.
Una naman nang sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na maaari pang iapela ng mga petisyuner ang kaso sa Korte Suprema.
Sa partial at unofficial tally, hanggang alas-11:02 ng umaga ng Martes, ay umaabot na sa 97.07% ang total election returns (ERs) na naiproseso habang ang botong pumasok ay 54,595,236 na mula sa rehistradong botante na 67,442,616.
Patuloy pa rin namang nangunguna si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race sa botong 30,774,599 gayundin si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte, sa botong 31,184,002. (Andi Garcia/Josephine Patricio)
The post Matapos manalo ng landslide…BBM CLEARED NA SA DQ! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: