Facebook

Honorable o hororable?

PINAGTATALUNAN ng netizens kung matatawag bang honorabe ang mga politikong nananalo lang sa pamimili ng boto.

Oo nga! May honor ba ang isang politiko na nanalo dahil sa massive voting sa eleksyon? Tingin ko malaking HINDI!

Ang salitang HONORABLE o KAGALANG-GALANG ay nararapat lamang sa mga taong may dignidad, prinsipyo, marangal, hindi mandaraya, hindi nanlalamang, lumalaban ng malinis at tapat. Mismo!

Kaya paano mo nga naman tatawaging HNORABLE ang isang politiko na ubod ng tuso, namimili lang ng boto kapag halalan at tumutulong lang kapag malapit ng eleksyon.

Ang tamang tawag sa ganitong “public servant” kuno ay HORORABLE, sabi ni netizen Marie Godzella.

At ano naman kaya ang pakiramdam ng isang politiko na nakapuwesto dahil lang sa pamimili ng boto?

“Kapal muks yan, walang paki. Basta nakapuwesto siya at magagamit niya ang kapangyarihan sa mga persinal niyang interes,” sagot ni netizen Sergio Basagulero.

Well, saganang akin, talagang hindi angkop sa isang politiko na tawaging honorable kung nanalo lang ito sa pamimili ng boto.

Ganunpaman, hindi ko sinisisi ang politiko sa massive vote buying. Gusto lamang niya makasiguro makapuwesto para magkaroon ng kapangyarihan sa gobierno.

Ang tunay na may kasalanan ay ang mga botante, nagpapadala sila sa maliit na halaga nang hindi manlang iniisip na ang katumbas ng ibinigay sa kanila ay ilang taon na pagdurusa sa kamay ng hororable. Mismo!

Tulad lamang ng political dynasty. Hindi mangyayari ito kung hindi sila ibinoboto ng mga tao. Nagpapakabulag kasi ang maraming botante sa silaw ng P500 o P1,000 sa kada eleksyon. Tapos magrereklamo sa kahirapan at ‘di pag-angat ng kanilang bayan o lalawigan. Ewan!

Anyway, sana naging tama kayo sa mga ibinoto nyo sa nakalipas na eleksyon. ‘Wag na ‘wag kayong aangal kapag hindi kayo nakatanggap ng maayos na ayuda ‘pag bumalik si Covid-19…

***

May isang netizen ang nag-post ng ganito:

“Bongbong Marcos para mabawasan ang kasalanan ng pamilya mo, i-appoint mo si VP Leni Robredo as DSWD Secretary, Doc Willie Ong as DoH Secretary, Ping Lacson as Defense Secretary, Isko Moreno as DILG Secretary, Ka Leody de Guzman as DOLE Secretary, Manny Pacquiao as Sports, Atty. Chel Diokno as Secretary of Justice. Kung pagkakaisa nga ang tunay na layunin mo. Congrats and thank you!” – Jayson R. Biadog

May punto itong si Jayson. Dahil kung titingnan mo ang kakayahan ng mga nabanggit na natalong presidentiables na ito ay puwedeng puwede talaga sila sa naturang mga posisyon. Mismo!

Pero malabo mangyari na italaga sila ni BBM sa anumang cabinet position. Ang priority ni BBM ay ang nagpakahirap sa kanilang kampanya, mabigyan ang mga ito ng makakatas na puwesto sa kanyang administrasyon.

Ang maipapayo ko lang kay BBM ay huwag niyang italaga ang mga taong may maitim na track records, yung mga nakasuhan ng katiwalian sa mga nakaraang administrasyon. Kumuha nalang ng mga bata na mahuhusay ang pag-iisip sa pagpapatakbo sa gobierno. Oo! Wag nang mag-recycle ng mga opisyal mula sa past administrations. Mga magnanakaw mga yon!

The post Honorable o hororable? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Honorable o hororable? Honorable o hororable? Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.