Facebook

Alden inamin, aprub maging syota ang tagahanga

Ni WALLY PERALTA

NO doubt na ang Asia’s MultimediaActor na si Alden Richards ang hottest leading man sa bansa. Halos jingle na lang ang kanyang pahinga sa dami ng kanyang mga commitment.
Tila pati ang kanyang lovelife ay hindi na nabibigyan ng panahon ni Alden.
Tsika nga sa kanya, baka girls na raw ang manliligaw kay Alden at mapasagot siya. Kung sakali man na mapasagot si Alden ng isang girl, okey lang kaya ba na kahit isang fan ang maging karelasyon niya?
“Yes,” maikling tugon ni Alden.
Kahit pa sabihin na hindi pa nabasted si Alden sa kanyang panliligaw, inamin naman ng aktor na minsan din siyang na-ghosting ng isang karelasyon na isa pa mandin na celebrity.
Pagdating naman sa mga kissing o love scenes sa pelikula, paano kaya pinaghahandaan ng isang Alden Richards ang mainit niyang eksena?
“Let it flow. Gano’n ako eh,” he added, “not only sa kissing scenes but also in most of my scenes. Do not prepare your emotions kasi it will look fake. Acting na nga siya ia-acting mo pa,” dagdag na say ni Alden.
Sa ngayon ay nasa kasagsagan ng tapings si Alden para sa bago niyang serye sa Kapuso Network, ang Pinoy adaptation ng Koreanobela na “Start Up” together with Bea Alonzo.
***
MULA sa pagiging beauty queen ay sumabak na rin si Ariella Arida sa showbiz world at ngayon ay mas lalong nagiging maingay dahil na rin sa pagiging palaban niya sa daring scene.
Sa bago niyang movie na “Breathe Again” streaming na starting June 3 sa lahat ng Vivamax App, kasama sina Tony Labrusca at Ivan Padilla ay bumigay na si Ariella sa maiinit niyang eksena sa dalawang leading man.
Istorya ng isang relasyon na nakahanap ng “init” ang magdyowa sa kandungan ng ibang kapartner.
Para kay Ariella, isang ‘breathe again’ ang ginawa niyang pagpapa-sexy at kung mayroon man siyang kasamahan dati sa work na sa palagay ni Ariella ay nag-’breathe again’, ito ay ang dati niyang kasamahan bilang host sa defunct “Wowowin” na si Herlene “Hipon” Budol.
Isa kasi sa mapalad na nakapasok bilang official candidate si Herlene sa parating na Binibining Pilipinas 2022.
“Si Herlene is very close to my heart bilang nakasama ko s’ya sa ‘Wowowin’. I’m really, really, really proud of her.”
Say pa rin ni Ariella, naniniwala siyang nakawala na si Herlene sa bansag na ‘hipon girl’.

The post Alden inamin, aprub maging syota ang tagahanga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Alden inamin, aprub maging syota ang tagahanga Alden inamin, aprub maging syota ang tagahanga Reviewed by misfitgympal on Mayo 17, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.