
Ni ROMMEL GONZALES
HINDI maitago ni Kylie Padilla ang kanyang pag-aalala para sa amang si Robin Padilla, na nakatakda nang pumasok sa pulitika matapos manguna sa senatorial race sa Eleksyon 2022.
Sa panayam sa kanya, sinabi ni Kylie na ang pagiging ganap na pulitiko ng amang si Robin ang isa sa mga realidad na dapat niyang tanggapin sa pagtatapos ng halalan ngayong taon.
Hindi raw inakala ni Kylie na magkakatotoo ito dahil ilang beses nang tumangging pumasok sa pulitika si Robin sa mga nagdaang taon.
“Ayokong ipasok siya sa utak ko, just to keep me grounded. Siguro when I see my dad tapos makausap mo na siya and ‘yon. Siguro doon siya mag-sink pero ayoko talaga siyang, ‘I’m a senator’s daughter,’” sabi ni Kylie.
Proud ang aktres na mas lumawak pa ang pagkakataon para makatulong sa ibang tao ang kanyang ama, na likas na ang pagiging matulungin.
Kaya naman dagdag ni Kylie, hindi na siya nagulat na nangunguna ang kanyang ama sa bilangan ng mga kandidato sa pagkasenador.
“May mga fears din kami, siyempre politics ‘yan eh, kahit anong mangyari may fears ka eh, magulo. Pero if I’m just thinking about what my dad wants, his dreams, mga gusto niyang mangyari para sa mga tao, I’m happy for him and I’m proud of him.”
***
BILANG si Pancho ay isang security guard ang papel ng Kapuso male star na si Mio Maranan sa Apoy Sa Langit.
Importante ang karakter ni Pancho sa Apoy Sa Langit.
“Hindi ko po talaga alam kung kanino yung loyalty ko, kung kay Gemma po ba or kay Cesar po.”
Gumaganap sa Apoy Sa Langit bilang si Gemma ang aktres na si Maricel Laxa at si Zoren Legaspi naman ang nagbibigay-buhay sa karakter ni Cesar.
“Alam ko po yung mga kaganapan na nangyari po doon sa bahay.”
Kaya masasabing isa si Mio sa papel na Pancho ang may hawak ng susi sa mga misteryo sa Apoy Sa Langit.
Pinakaunang teleserye ni Mio sa GMA ang Apoy Sa Langit.
“My last project was Cinemalaya 2019, I was in a supporting role sa ANi (The Harvest) po kasama ko po sila tito Ricky Davao, Anna Luna, iyon po. It’s a sci-fi film actually.”
Honored daw si Mio na sa una niyang proyekto sa GMA ay ang mahusay na aktres at direktor ang direktora nila, walang iba kundi si Laurice Guillen.
“Yun nga po e,” at ngumiti si Mio habang kausap namin via Zoom sa mediacon ng Apoy Sa Langit noong April 26.
“Yung feeling po talaga actually overwhelming po talaga, it’s a dream come true for me so thank you po talaga to all the cast, I’m so grateful and thankful din po ako kay direk Laurice for considering me and sa tiwala po talaga.”
***
MASAYA si Andrea Torres na naipakita niya sa Argentinian cast at production team ng international film na “Pasional” ang ganda ng Pilipinas at naipatikim ang mga ipinagmamalaking pagkaing Pinoy.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabing nasa Manila na ulit si Andrea kasama ang cast at production team ng nasabing pelikula matapos mag-shoot sa Caramoan Island at sa Coron, Palawan.
Makikita sa tanned skin ni Andrea na nakapagbabad sa beach ang aktres, bagay na matagal niyang na-miss gawin.
Doon na rin ipinagdiwang ni Andrea ang kanyang kaarawan, na sinorpresa siya ng mga kasamahan niya sa pelikula.
Sinabi ng director at assistant director ng pelikula na humanga sila sa husay ng mga talento ng Pinoy, pati na rin sa ganda ng Pilipinas.
Dahil dito, kasalukuyang iniisip ng mga producer at director of photography ng Pasional na gumawa pa ng bagong pelikulang magtatampok sa Pilipinas.
Ang pelikulang Pasional ay kuwento tungkol sa isang May-December love affair na gumaganap din si Andrea bilang isang tango dancer.
Collaboration ito ng Argentinian production na Malevo Films, GMA Network, Maxione Production, Stagecraft International at Signature Films.
Ipalalabas ang pelikula sa Pilipinas, Argentina, at iba pang bansa. Katambal ni Andrea ang Argentinian actor na si Marcelo Melingo, na tinuruan si Andrea ng pagsasalita ng Espanyol.
The post Kylie ‘di pa makapaniwala na anak na ng senador appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: