Facebook

WALANG PAGPIPILIAN

Muling bubuksan ng Commission on Election (Comelec) ang public bidding para sa automated election firm na magpapatakbo ng halalan sa 2025. Walang pagpipilian ang Comelec kundi buksan muli. Hindi maaari na ipanalo ang Miru System Co. Ltd. ng South Korea. Walang maayos na track record ang Miru na maging batayan upang pagkatiwalaan na pinapatakbo ng maayos nito ang 2025 midterm elections.

Kailangan pangatawanan ng Comelec ang huling salita na hindi pasasalihin ang Smartmatic sa muling pagbubukas ng bidding. Dahil walang kasiguruhan na hindi sasali ang Smartmatic, hindi sumali ang mga lehitimong technology firm sa paniwalang sasali ang Smartmatic sa huling sandali ng public bidding. Kailangan magbitiw ng huling salita ang Comelec na hindi na totoong makakasali ang Smartmatic sa pagbubukas ng public bidding.

Hindi puede na ideklara ang Miru System dahil nag-iisa itong sumali sa public bidding noong ika-8 ng Enero. Sa maikli, nagkaroon ng kabiguan na magkaroon ng maayos na bidding. Bukod diyan, wala itong matibay na track record upang mapatakbo ng maayos ang 2025 midterm elections.

Ayon sa mga ulat, ipinataw ng Comelec ang ban dahil sa imbestigasyon ng U.S. Justice Dept. Sa dating Comelec chair Andres Bautista dahil sa “corruption, conspiracy, wire fraud and money laundering. “Given the gravity of allegations related to bribery and compromised procurement processes, as independently determined by foreign bodies, the Commission recognizes the imminent threat to the strength and integrity of our democratic processes,” ayon sa Comelec sa isang pahayag.. “Smartmatic Philippines, Inc. is disqualified and disallowed from participating in any public bidding process for elections.”

Sinabi ni Smartmatic sa isang pahayag na walang batayan ang Comelec ruling at sinira umano ang kanilang reputasyon kahit hindi naakusahan ng opisyal ang kompanya.” “By using the non-existent indictment as a motive, Comelec did not follow the legal process to disqualify Smartmatic,” anila. Sinabi ng Smartmatic na hindi sila binigyan na pagkakataon na ipahayag ang kanilang panig sa kontrobersiya.

Ayon sa Comelec, hindi ipinataw ng Comelec ang ban dahil may kuwestiyon sa integridad sa halalan pampanguluhan ng 2016 at 2022 kung saan napanalunan ng Smartmatic ang mga kontrata sa vote-counting machines at iba pang serbisyo. Itinanggi ni Bautista ang mga alegasyon kahit nakuha ng Smartmatic ang mga kontrata na nagkakahalaga ng 199 milyon upang bigyan ang Comelec ng 94,000 voting machines noong 2016 kung saan nanalo si Rodrigo Duterte.

Ayon sa Comelec ruling, inakusahan si Bautista ng mga tagausig ng Estados Unidos na tumanggap umano ng suhol na ipinamahagi sa Smartmatic Corp. at ipinalusot ang salapi upang maging legal sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan. Humingi ang mga tagausig ng Estados Unidos ng mga dokumento sa Comelec bilang bahagi ng binubuong sakdal laban kay Bautista.

Ikinaila ni Bautista ang mga alegasyon laban sa kanya at nagsabing hindi siya tumanggap ng suhol mula sa Smartmatic at kahit kaninoy. Ipinagkapuri ni Bautista ang halalan noong 2016 bilang isang malinis na halalan.

Sa kabilang panig ng kontrobersiya, ipinaliwanag na hindi maayos ang track record ng Miru Systems upang pagtiwalaan na magiging maayos ang susunod na halalan sa 2025. Kinontra ng mga civil society organization sa buong mundo na maayos ang serbisyo ng Miru Systems.

***

Noong Biyernes, nagdaos ng pulong balitaan ang Capampangan in Media, Inc. ang panauhin si Jesus Lim Arranza, chair ng Federation of Philippine Industries (FPI), isang pambansang ng mga mangangalakal sa bansa. Tinalakay niya ang isyu ng ismagling. Narito ang ulat ng Orbit1.

FPI MOVES VS ‘SMUGGLING’

ANGELES CITY – Federation of Philippine Industries (FPI) Chairman Jesus Lim Arranza says smuggling had been affecting Filipino producers particularly farmers with rampant technical smuggling in the country. Arranza said smuggling is a form of “economic sabotage” that results to the loss of roughly P250 billion of revenues every year in the government coffer.

Agricultural produce from other Asian countries had been entering the country’s port of entries in the past. Arranza cited that in the Subic Freeport Zone, 5,000 metric tons of substandard steel had been seized and prevented from entering the market. In September last year, some P3.6 billion worth of shabu that entered Subic had been seized in Mexico, Pampanga.

***

Noong Sabado, ipinadala sa amin ang post ni Mia Cancio, stepdaughter ni Charo Santos, isang opisyal ng ABS-CBN. Idinaing niya ang dumadalas na isyu ng snatching ng mga bag ng mga babae. Biktima ang anak ni Mia na si Sam (babae siya). Pakibasa:

UNBELIEVABLE

Sam and I were about to step inside our building around 8:20pm last night after coming from Promenade. First time for me to be out in almost a month, when a man riding a motorcycle came from behind and yanked Sam’s bag from her shoulder. He got away with her bag, cash, ATM and credit card. It’s good she wasn’t hurt even if she was badly shaken.

We were told that this was an isolated incident but still. It is no longer safe to walk outside without being mindful and vigilant that, at any time, one runs the risk of being violated and attacked.

People are hungry. And when there is poverty, there is hopelessness and despair. Crime is just around the corner. Let’s be careful.

***

MGA PILING SALITA: “Remember to stay away from people who have a problem for every solution.” – Paulo Coelho, nobelista

“Aside from the health crisis, the PHL has an education crisis, producing half-baked students, who barely fit for employment.” – PL, netizen

“It’s inherently wrong for a political system to qualify people who steal billions of pesos in 2022 more than those who work hard to keep us afloat amid the big pandemic. Imagine a nation that rewards the plunderers and punishes the hard workers. Systemically wrong by all means.” – PL, netizen, kritiko

The post WALANG PAGPIPILIAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
WALANG PAGPIPILIAN WALANG PAGPIPILIAN Reviewed by misfitgympal on Enero 21, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.