Bauan, Batangas- HIMAS REHAS na ngayon ang apat na sugarol kabilang ang isang bet collector/operator ng iligal na sugal na “Beto” sa isinagawang Oplan Bolilyo (Anti-Illegal Gambling Operations) ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group- Provincial Force Unit (CIDG-PFU), Batangas 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) sa Barangay San Roque, ng nasabing bayan nuon araw ng biyernes bandang 9:30 ng gabi.
Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina 1. Mark Belga, Bet Collector/Operator ng naturang iligal na sugal at ang mga mananaya na sina 2. Anthony Pasia, 3. Nathaniel Calusag, 4. Rey Closa, mga nasa hustong gulang at pare-parehong residente sa kaparehong lugar
Base sa ipinadalang report ni Batangas CIDG Chief P/Lieutenant Colonel Benedick Poblete kay CIDG Director Major General Eliseo DC. Cruz, nag ugat ang nabanggit na operasyon dahil sa mga sumbong ng ilan residente at pamilya ng mga trabahador ng mga kumpanyang malapit sa itinayong amusement fair o “Peryaan” na may kasamang mga iligal na pasugalan tulad ng color games, beto, at drop balls.Nakumpiska ng mga pulis sa lugar ang mga sumusunod 1. bet money na nagkakahalaga ng One Thousand and Seven Hundred Thirty Pesos (P1,730.00),2. One (1) set of Beto compose of three (3) pcs. of dice, small saucer (pangalog), 3.One (1) pc. wooden box.
Hindi naman inabotan ng mga otoridad ang maintainer ng pasugalan na si alyas “Tina” na itinuturong katiwala umano ng isang Tessie Rosales na taga San Pablo City sa Laguna.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602) as Ammended by Republic Act. 9287 (Illegal Gambling Laws) in Relation to CIDG Intensified Anti-Criminality Operations (CIACO) na dinala na ngayon sa CIDG Holding Facility sa Batangas. (KOI LAURA)
The post Apat katao swak sa “Oplan Bolilyo” sa Batangas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: