SA napanood ko sa katatapos na unang SONA ng bagong selected na presidente, nakakita na naman ako ng parada ng mga taong magagarbo ang kasuotan sa karpetang pula. Bagama’t hindi kasing puno ng palamuti na katulad ng mga SONA ng nakaraan, hindi pa rin maiwasan na may mga gusto mag “stand out” dito at mapansin. Mula sa magparang sibat ng Tarikan, hanggang sa nagparang waiter ng peking duck restaurant. Luklukan d ati ang Kongreso ng mga marangal na mambabatas na mas mahalaga ang nilalaman ng salita at gawa kesa palamuti at kasuotan. Ngayon nagmistulang isang malaki at magarbong pageant ang SONA, kung saan may malaking production. May show script, may direktor na kumpletos rekados ang bells and whistles; ang smoke and mirrors. Mas pinahahalagahan ang palamuti ‘kaysa sa dunong.
Hindi ko matandaan kailan nagsimula ang ganitong kalakaran tuwing may SONA. Tinapatan ito ng mga grupong progresibo, na nagsagawa ng kanilang SONA sa kalsada. Hindi natin ikakaila na umani rin ito ng batikos. Heto ang sapantaha ng kababayan natin si Elizabeth Foster:
“Saan at kailan pa nangyari ang SONA na halos hinakot na ang kapulisan para maging security guards? Sino sa mga naging pangulo ang nangailangan pa ng direktor ng Sona? Ano ‘yun sarswela?…”
Para sa kaalaman ni Ms. Foster kahit ang iyong abang-lingkod hindi masasagot ito. Ngunit batid ko na nangyari na ang lahat ng ito noon… Noong presidente si Marcos Sr…
***
SA kasalukuyan, nananatili na nakapiit si Leila De Lima. Siya ang isa sa pinaka-masidhing kritiko ng dating pangulo Rodrigo Roa Duterte. Ikinulong si dating senador Leila De Lima isang araw matapos maglabas ng warrant of arrest nung 23 ng Pebrero 2017 dahil diumano sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ikinulong siya sa PNP Custodial Center, at hanggang sa kasalukuyan, nanatili siyang nakapiit.
Base sa testimonya ng ilang testigo, kabilang ang mga notoryus na bilanggo sa Bilibid, sinabi nila, sa ilalim ng panunumpa, na si De Lima, na noon ay kalihim ng DOJ ay tumanggap ng salapi mula sa bentahan ng droga sa loob ng Bilibid, at ang dating drayber nito na si Rolando Dayan ang “bagman.” Marami ang naniniwala na ang mga ito ay gawa-gawa ng mga kasapakat ng dating administrasyon, dahil sa pag imbestiga ni de Lima sa madugong anti-drug campaign ni Duterte sa Davao City.
Inilabas ni de Lima si Edgar Matobato na umamin na kasapi siya sa Davao Death Squad ni Duterte. Paniniwala ng mga human rights groups na ginawa ito upang patahimikin siya.
Fast-forward po tayo.
Matapos magbigay ng testimonya, may mga bumawi sa testimonya nila, kabilang dito ang drug lord Kerwin Espinosa, pero ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, hindi na ginamit ang testimonya ni Espinosa dahil sapat na ang testimonya ni dating BOC chief Rafael Ragos.
Pero bulaga ang lahat noong Abril 30, 2022, nang binawi ni Ragos ang testimonya, at sinabing pinilit siya ni dating DOJ secretary Vitaliano Aguirre na magsinungaling. Si Ragos ha hepe ng Bureau of Correctional (BUCOR) noong 2012 ay luhaang inamin na ang kanyang testimonya na pawang kasinungalingan ang personal na naghatid siya ng pera kay De Lima mula sa mga preso sa Bilibid.
Matatandaan si Jaybee Sebastian ay namatay dahil “di-umano” sa Covid-19, noong Abril 22, 20212 at self-confessed drug lord Kerwin Espinosa ay bumaligtad sa testimonya na may sabwatan sila ni De Lima. Sinabi ni Espinosa sa kanyang affidavit na siya ay pinilit at tinakot ng pulis. Noong Marso 16 at Hulyo 19, nanawagan ang European Parliament na pakawalan si Leila De Lima, at isang delegasyon mula sa EU ang bumisita sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center.
Marso 14 at Abril 4, 1019 naglabas ng bi-partisan resolusyon ang anim na kongresista at dalawang senador sa US, na humantong sa pagbawal makapasok sa Estados Unidos ang sinumang sangkot sa pagkapiit ni Leila De Lima.
Mapapansin na unti-unting naghuhugas kamay ang mga kasapakat ng dating presidente, at ayon kay Menardo Guevarra dating kalihim ng DOJ, ipinauubaya sa administrasyon ni BBM ang desisyon sa kasong ito. Maliwanag na malaking kalapastanganan at pagyurak sa batas ang ginawa kay Leila De Lima kaya patuloy na nanawagan ang mga sumusuporta kay Leila De Lima sa pakawalan kaagad siya at panagutin ang mga taong nagpakulong sa kanya.
Harinawa na mapakawalan at mapawalang-sala na ang kaso niya. Dahil ang mga paratang sa kanya ay pawang kasinungalingan, masasabi natin, sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Leila De Lima ay isang “prisoner of conscience.”Mabuting hakbang, at pandagdag pogi-points, kung gagawin niya ang tama, at pakawalan siya.
Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “ We have to uphold a free press and freedom of speech – because in the end, lies and misinformation are no match for the truth…” – Maris Hidalgo
“God is alive in every real sense. You should never lose hope. Never give up fighting for what He wants on earth. Always understand that it is only when you maintain your eyes on Him that he shows Himself more real…”- Barack Obama
***
Joke time mula kay P. Floyd De Guzman:
Kosa1 : anong kaso mo?
Kosa2 : natiklop ko ang 1000 peso bill, ikaw kosa, anong
kaso mo?
Kosa1 : ghosting kosa
Dagdag sa Pinoy leksiyon mula kay Prof. Cesar Polvorosa: “Alam mo naman Marites iyun na-Ella ka naman kaya mo pala
Tine-teves bf mo”
Translation:
“Alam mo naman tsismosa iyun madali kang naniwala sa tsismis niya. Kaya mo pala gino ghost bf mo!…”
***
mackoyv@gmail.com
The post PAKAWALAN SI LEILA DE LIMA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: