Facebook

LUCY UMARANGKADANG MULI SA CALOOCAN CITY!

MATAPOS mahinto ng dalawang taon dahil sa pandemya, muling umarangkada ang sakla operation ng kilalang lady gambling financier na si lucy sa lungsod ng Caloocan.

Ayon sa Camp Crame insider ng SIKRETA, dalawang linggo nang nag-ooperate ang pa-sakla ni Lucy na aabot ng mahigit sa 50 lamesang nakakalat sa buong lungsod, partikular sa mataong lugar ng squatter area.

Isang nangangalang Oyie na nagpapakilalang malakas sa mga Malapitan ang iniulat na nagbigay ng basbas kay Lucy para muling makapaglatag ng mga lamesa ng sakla na naghambalang sa 1st, 2nd at 3rd district ng siyudad.

Bulong ng ating Crame informant, isang nagngangalang Marlyn na bata-sarado ni Lucy ang umaaktong operator at maintainer, bukod pa sa trabaho nito bilang tagamudmod ng tongpats sa dapat bigyan para maging “smooth” ang kanilang sakla operation.

Upang walang balakid, kinausap ni Lucy ang iba’t ibang operating unit ng Philippine National Police (PNP) tulad ng National Capitol Region Police Office (NCRP) na nasa ilalim ni PMG Felipe R. Natividad, Caloocan City Police Office ni P/Col. Samuel V. Mina Jr.; Northern Police District na ang director ay si PB/Gen Ulysis Cruz, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Si Lucy ay isang untouchable na gambling lady na taga-Navotas at ilang dekada na ang negosyo ay ang magpa-sakla. Protektado ito ng ilang tiwaling opisyal at kawani ng PNP at NBI.

Kuwento ng ating Camp Crame insider, si Lucy ay sakla operator sa maraming lugar, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa mga probinsya pero sa pag-ikot ng panahon naagaw ng ibang sakla financier ang kanyang operasyon.

Napanatili naman ni Lucy ang kanyang “korona” sa Caloocan City. Panahon pa ng mga Asistio ay hawak na ni Lucy ang operasyon ng sakla sa Caloocan City, hanggang maging mayor si Recom Echiverri, ay hindi natinag ang sakla business ng maimpluwensyang “Sakla Queen”.

Noong maging alkalde ng Caloocan City ang ngayo’y 1st District Congressman Oscar Malapitan taong 2013, winalis nito ang operasyon ni Lucy dahil sa pakiusap ng isang CAMANAVA mayor na galit kay Lucy pagkat campaign financier ito (Lucy) ng kanyang kalaban sa pulitika sa kanilang lungsod.

Pero sadyang mautak si Lucy, gamit ang koneksyon sa gobyerno at media, nagawa nilang “mapaikutan” ang noo’y Mayor Oca Malapitan sa pamamagitan ng paggamit ng “dummy” operator.

Ayon pa sa ating Crame source, napaniwala nina Lucy at padrinong kumausap kay Mayor Malapitan na, hindi na si Lucy ang operator, kaya marahil pumayag si Mayor Oca noon na muling buksan ang sakla sa lungsod na tumagal ang operasyo ng may anim (2013 hanggang 2019) na taon.

Nahinto lamang ang sakla operation ni Lucy nang manalasa ang pandemya noong March 2020, kaya’t ganap na nahinto ang sakla operation ni lucy sa Caloocan. Ngunit talaga din namang likas na makapal ang mukha ng gurang na ito, kaya’t muling nabuksan ang kanyang mga saklaan noong July 15 ng kasalukuyang taon.

Dahil nga sa muling pagbubukas ng sakla sa Caloocan City, maging ang inyong lingkod ay nakakatanggap ng mga sumbong mula sa nangangambang mamamayan na baka pagmulan ito ng hawahan ng kinakatakutan nating COVID 19 virus pagkat nakikita nilang sa sugal na sakla, ang mananaya ay kumpulan, dikit-dikit na nakapalibot sa mesa ng saklaan.

Kapag nagkataon, dadami ngang muli ang COVID positive sa lungsod ni newly-elected Caloocan City Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan, na huwag naman sanang mangyari, kung tunay na napapayag na nga ni Lucy na umarangkada ang kanyang mga saklaan?

Naging mabango ang mga Malapitan dahil sa maayos na pamamahala ni dating mayor at ngayo’y Representaive. Oca Malapitan.

Sa datus ng pulisya, ang sugalan ay source o pinagmumulan ng kaguluhan, ganon din ay paboritong tambayan ng mga gumagamit at nagbebenta ng droga, pero ang nakakapagtaka ay kung bakit pinapayagan at kinukunsinti ng awtoridad ang sakla ni Lucy at iba pang gambling operation sa naturang siyudad.

Sa kanyang pag-upo bilang alkalde noong July 1, isa sa ipinag-utos ni Mayor Along Malapitan kay Col. Mina at sa buong pwersa Caloocan police ay ang zero-tolerance sa ipinagbabawal na gamot , sugal at kriminalidad.

Kung alam lang ni Mayor Along, hindi makakatulong ang talamak na sakla operation sa kanyang drug zero-tolerance directive sa mga pulis. Hindi rin sana makalalusot si Lucy at walang nagkalat na sakla den sa kanyang mahal na lungsod.

Hindi pa naman huli ang lahat, kung ngayon ay sisimulan nang alamin ni Mayor Along kung sino si Oyie na nagbigay ng go-signal kay Lucy para muling makapaglatag ng saklaan sa siyudad ng Caloocan.

Dapat ding uriratin ng butihing Punong Lungsod si Col. Mina – bilang police chief – kung bakit pinayagan ang operasyon ng sakla sa lungsod. Abangan ang aksyon ni Mayor Malapitan…

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; new email: sikretangpinas@gmail.com.

The post LUCY UMARANGKADANG MULI SA CALOOCAN CITY! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LUCY UMARANGKADANG MULI SA CALOOCAN CITY! LUCY UMARANGKADANG MULI SA CALOOCAN CITY! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.