Ni ROMMEL PLACENTE
SINO kaya ang tinutukoy ni Elijah Canlas na isang veteran actor na nakatrabaho niya na sa isang project na pinakitaan siya nang hindi maganda?
Natanong kasi ni Ogie Diaz si Elijah nang mag-guest ito sa kanilang Youtube channel ni Mama Loi na Showbiz Update, kung nakatikim na si Elijah ng pagtataray mula sa isang artista. At ikinwento ng binata na mayroon na nga mula sa isang veteran actor.
“Ako, sa isang eksena mayroong isang artista sa tent po, di ba lalaki at babae?Pagpunta ko do’n sa tent nakalabas ‘yung upuan ko, nakalabas ‘yung bag ko.
“Sa isip ko, ‘anong nangyari?’ Pagkapasok ko ‘yung PA (personal assistant) lapit kaagad sa akin, ‘allergic si sir sa mga tao.’
“Ha? Allergic sa tao? Buti na lang pinag-stay ako sa girl’s tent. Pinalayas kami sa tent dahil allergic daw sa tao.
“Tapos makikita ko ‘yung mga article niya ngayon na (nagsasabing) ang kabataang artista walang respeto sa mga senior (actors). E, gusto kong sabihing, ‘ikaw ‘yun, e,’” natatawang kuwento ni Elijan na halatang iritable.
Patuloy niya, “E, ikaw ‘tong pinalayas mo kami sa tent wala naman kaming ginawa sa ‘yo!”
Nasundan pa pala ang pagkainis ni Elijah sa veteran actor nang ikabit niya ang lapel niya sa dibdib ay hinampas nito ang kamay niya. Ang sabi raw sa kanya, “Huwag mong ginagalaw ‘yan.’
“Gusto kong sagutin na, ‘ngayon ko pa nga lang nilalagay hindi ko ginagalaw kakalagay ko pa lang.’ Hindi ko alam kung anong galit niya sa buong set na ‘yun.
“Hindi ko po makalimutan ‘yun kasi at that time parang pasuko na ako no’n, eh. Nakatulong sa pag-quit ko na (sa show). Hindi ko na kasi gusto ‘yung nangyayari sa akin tapos ganito pa ‘yung treatment, so wag na lang ako umarte.”
***
DEDMA lang si Bayani Agbayani sa ilang netizens na nag-react sa sinabi niya sa Tropang LOL na hindi sila nag-o-overtime. Na ayon sa iba, parinig niya ‘yun sa It’s Showtime, dahil nag-over time ito noong unang mapanood ito sa TV5, na ka-back-to-back ng show nila.
Inabot siya ng panlalait sa Twitter, pati ang kanilang programa na sinabing boring naman daw ito kaya tama lang na hindi sila mag-overtime. May nag-comment pang ibigay na lang daw sana sa It’s Showtime ang oras nila.
Pero yun nga, ipinagkibit-balikat na lamang ‘yon ni Bayani at hindi na raw niya pinagpapapansin ang mga harsh comments laban sa kanya at sa LOL.
Sa text na pinadala sa kanya ng PEP Troika ay hiningan siya ng reaksyon pero ang reply niya,”Hindi na hahaha! Ilaan ko na lang sa pamilya ko ang oras ko. Masyadong maraming work ngayon, e. Kaya pag free ang time ko, masaya kami ng pamilya ko kahit dito lang sa bahay. Nag-scrabble kami, sobrang saya namin.”
O di ba, wapakels si Bayani? Parang paki niya kung banatan man siya sa social media.
The post Bayani wapakels kahit banatan sa socmed; Elijah badtrip sa veteran actor appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: