Ni BETH GELENA
KUNG pinakilala ni Wil Dasovich si Carla Humphries sa kanyang parents, aba hindi nagpakabog ang ex niyang si Alodia Gosiengfiao
Inilabas nito ang isang proposal video na nakaluhod ang boyfriend na si Christopher Quimbo sa kanya.
Yes po, engaged na ang cosplayer-gamer kay Quimbo.
July 23 nang ipost ni Alodia ang proposal video sa kanyang Facebook page.
Kalakip ng 7 minutes video clip ay may shinare ring quote ang female influencer.
“For some it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found.”
Ang proposal ni Christopher kay Alodia ay naganap sa Mrs. Saldo’s Bespoke Private Dining sa Cavite with their families and friends.
Ayon kay Alodia, “I guess, ayun nga, I couldn’t imagine life na without him. “
“Everything’s just falling into place, hindi siya pilit,” dagdag pa niya.
Dinagsa naman ng congratulatory notes ang comment section ng fans at followers ni Alodia.
***
MULING nagbahagi ng mga larawan si Yassi Pressman kasama ang boyfriend na si Jon Semira.
Sa mga panibagong post, naroon ang pictures kuha sa pagbibiyahe nila sa iba’t ibang lugar.
Sinabi ni Yassi sa caption na “fun” para sa kanya ang makita ang iba’t ibang panig ng mundo.
“Seeing the world witchuuuu is fuuuun.”
Ang aktres-host ay naging parte ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.
Bilang si Alyana Arevalo, ang role ni Yassi na naging ‘asawa’ ni Cardo sa loob ng limang taon sa FPJsAP.
Iniintriga tuloy ng netizens ang host ng The Rolling It Philippines, di raw kaya na inlove si Yassi kay Jon dahil ang isa sa quality ng guy ay ang pagiging Coco look-alike?
Hala… may ganun?
***
#BOYCOTTDARNA KALAT SA TWITTER
MAY kumakalat sa Twitter na #BoycottDarna.
Nag-trending ang nasabing twit na lumabas lang nitong July 23, 2022.
Isang netizen na may username na @YesYesyo13 ang nag-tweet na “Guys, let’s give the Kakampwets a taste of their own cancel culture. PINK SI @Imjanedeleon. LET’S BOYCOTT DARNA!!”
Nilagyan niya ito ng hashtag na #BoycottDarna.
Si Jane de Leon ang gaganap na Darna ang tinutukoy na ‘pink’sa tweeter na eere na sa August 15
Nag-react ang ibang netizens at may nagsabing parang asal-bata naman kung ang magiging dahilan ay dahil Kakampink ang aktres nu’ng eleksyon.
May ganti rin naman ang Kakampinks.
Boycott Maid in Malacañang naman daw ang gagawin ng mga pro-Leni.
Ayon naman sa ibang netizens,
marami pa rin daw pala ang hindi nakaka-move on sa mga naganap noong nakaraang halalan, at hindi pa tapos ang away dahil lang sa pulitika.
Wala pang reaksyon si Jane hinggil sa tweet na boykot isyu
The post Yassi nainlab sa dyowa dahil kamukha ni Coco?! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: