Facebook

Jake nabuking, nainlab kay Bea, Michael V nagka-Covid ulit

Ni GERRY OCAMPO

TANONG ni Bea Alonzo kay Jake Cuenca sa kanyang vlog na in-upload niya sa kanyang YouTube channel, “Na-in love ka ba sa akin?”Sagot ni Jake na mistulang nahihiya. “Wow! Yeah.”Thumbs-up ang naging sagot din ng polygraph expert na si Claire ng Eye-Spy na siyang ginagamit ng mga government agencies.Base na rin sa naging tanong ni Bea, hindi pala sila naging magdyowa ni Jake ng, “Do you think it was a good decision that we decided to be just friends during the time na nag-date tayo before?” Sagot ni Jake, “At that time, no!” Pero thumbs down ang sagot ng polygraph expert na ang ibig sabihin ay nagsinungaling siya.Inamin ni Jake na mula pa noon at hanggang ngayon ay umaakyat pa rin siya ng ligaw, “Yes and I still am,” at thumbs up naman ang kanyang score.
Sa puntong yun, doon na naikuwento ni Bea ang pina-experience sa kanya ni Jake na hindi niya makakalimutan. Ang ipinadama sa kanya ng actor ay ang prom night na hindi naranasan ni Bea noong kanyang hight school days.”Kuwento ko lang, tutal past naman na ito. Hindi kasi ako nag-prom, so nu`ng nagde-date kami ni Jake dinala niya ako sa isang restaurant sa Katipunan.
“Sinurprise niya ako kasi masyado siyang ma-gesture na guy. Pagdating namin sa Ninyo (Fusion Cuisine along Esteban Abada), ayaw magbukas ng gate. So, ang ginawa niya, nagpaka-action star, umakyat siya sa gate, eh, mataas yung gate at binuksan niya. “Ipinasarado pala niya yung restaurant, ang daming flowers, tapos nag-dance-dance pa kami, ganu`n. Ganu`n siya ka-sweet na manliligaw,” pagbabalik tanaw ni BeaMasayang sabi ni Jake, “Thank you.” Hirit pa ni Bea, “Kaya talagang he`s really a good catch.” Samantala, inamin din ni Jake na nakaranas siya ma-friendzone pero hindi niya ito ginawa kaninuman at thumbs-up ang kanyang score. “I`m just clear with my intentions,” aniya. Tanong ni Bea, “Do you still want to get back with an ex-girlfriend?”
“I haven`t, I`ve not done that but. Yeah,” sagot ni Jake at thumbs-up ulit ang sabi ng polygraph expert. “Hmmm naiiyak ako.” say naman ni Bea.Pinagdiinan ni Jake na hindi siya selosong boyfriend pero thumbs down ang kanyang score at sabay tawa nilang dalawa ni Bea. Ang sumunod na tanong, “Have you ever caused someone`s heart break?” “Yes,” sagot ni Jake. Sa tanong na, “Are you ready to give up your career for the sake of your love life?” “One day? Yes!” sagot ni Jake at thumbs-up ang kanyang score.Sabi rin ni Jake, hindi pa siya handang mag-asawa dahil gusto niyang paghandaan ang pagkakaroon ng sariling pamilya.
***
MULA nang magka-Covid si Michael V ay naging maingat na sila ng kanyang pamilya. Nang gumaling ay hindi na basta-basta sila nagpupunta sa ibang bansa para magbakasyon para makaiwas na mahawaan ng virus.Pero sabi nga kahit na anong ingat mo ay magugulat ka kapag ikaw ay muling nagka-Covid. Yes, muling nagka-Covid si Michael V at this time ay pati ang wife niya nagka-Covid na rin.Kasalukuyang naka-isolate silang mag-asawa para maiwasang mahawaan ang kanilang mga anak.Ang maganda kay Bitoy ay kumpleto na sila sa vaccine kaya hindi na magiging katulad ng dati ang mararanasan niyang pakiramdam ng magka-Covid.Habang nagpapagaling ay hindi muna siya mapapanood sa Bubble Gang pero asahan na oras gumanda ang pakiramdam at okey na ay patuloy siyang magpapasaya sa mga followers ng longest running gag show sa telebisyon, ang Bubble Gang na napapanood every Friday. 9:40 pm sa GMA 7.Timing naman ang paglabas ni Empoy sa Bubble Gang bilang guest.Marami ang nagulat nang mapanood si Empoy sa gag show dahil napapanood siya sa TV 5. Nangangahulugan na kaya umalis na siya sa TV 5 para lumipat sa GMA 7.
***
Rabiya ilang beses pinalayas ng bahay dahil ‘di nakakabayadHINDI biro ang mga pagsubok sa buhay na pinagdaanan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo noong kanyang kabataan.Naikuwento ni Rabiya sa interview sa kanya sa podcast ni Nelson Canlas na palipat-lipat daw sila ng tirahan ng kanyang inang single mom at nakababatang kapatid.”Nag-grade 1 ako dito sa Manila. Nag-grade 2 ako sa Laguna, nag-grade 3 ako sa Iloilo.
Nagpalipat-lipat talaga kami because wala kaming address, wala kaming bahay.”Nagre-rent lang kami, and kapag hindi nakabayad ng rent, pinapalayas. Ganu`n kahirap yung buhay namin,” balik tanaw ni Rabiya.May pagkakataon pa raw na pinalayas sila sa inuupahang bahay at sinabihang kailangang iwanan nila ang kanilang TV, sala set, at refrigerator bilang bayad sa hindi nabayarang renta.”Hindi naman siya traumatic pero more of naaawa ako sa nanay ko. Kasi siyempre, nakikita mo yung mama mo, nagmamakaawa para sa inyo.
”Nangungutang kung kani-kanino, sa mga kamag-anak, minsan, hindi na rin tinutulungan. Kasi siguro, ayaw din nilang madamay sa hirap ng buhay namin,” bahagi ng pagbabalik tanaw ng beauty queen.”Bata pa lang ako, namulat na talaga ako sa hirap ng buhay,” say pa ni Rabiya.Pero ang kahanga-hanga kay Rabiya ay hindi naging hadlang ang hirap sa buhay para makatapos siya ng pag-aaral. Maganda ay nabigyan siya ng full scholar sa college at nakapagtapos siya na cum laude. Pagkatapos ay nakipagsapalaran siya sa Manila.”Nakipagsapalaran ako rito kasi kailangan ko pang pag-aralin ang kapatid ko,” aniya.”
When I competed for Miss Universe Philippines, yung mama ko, kailangan niya pang pumunta sa kapitbahay at makinood during pageant kasi wala kaming TV,” kuwento pa niya.Ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon ay inaalay niya sa kanyang ina.

The post Jake nabuking, nainlab kay Bea, Michael V nagka-Covid ulit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jake nabuking, nainlab kay Bea, Michael V nagka-Covid ulit Jake nabuking, nainlab kay Bea, Michael V nagka-Covid ulit Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.