Facebook

Pitmaster Foundation nag-reforest ng 250 ektaryang kabundukan sa Quezon at Laguna

TINATAYANG nasa kabuuang 250 ektaryang kabundukan sa lalawigan ng Laguna at Quezon ang na-reforest na ng Pitmaster Foundation Inc. kung saan si Charlie ‘Atong’ Ang ang siyang nagsisilbi bilang Chairperson.

Ang Pitmaster ang siyang ‘corporate social responsibility’ (CSR) arm ng Lucky 8 Star Quest na itinuturing bilang isa sa pinakamalaking taxpayer sa bansa matapos itong makapag-remit sa kaban ng bayan ng P2.6B.

Nabatid mula kay Atty. Caroline M. Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation na layunin nito na punan ng mga bagong puno ang mga nakakalbong kabundukan sa lalawigan ng Laguna at Quezon.

Sinabi pa ni Atty. Cruz na isang napakahalagang investment ng pagtatanim ng mga puno hindi lamang sa ating kalikasan kundi bilang protekayon din sa lumalalang climate change hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo.

Samantala ay napag-alaman din mula sa executive director ng Pitmaster na umabot na sa halagang P30M ang naipamigay na ayuda sa mga tricycle drivers at iba pang sektor na nawalan ng trabaho dahil sa patuloy na pandemya sa bansa.

May 6,300 wheelchairs naman ang naipamahagi ng Pitmaster Foundation sa mga persons with disabilities, ayon pa kay Atty. Cruz.

Sa loob lamang ng isang taon at kalahating operasyon ng Pitmaster foundation ay nakapagbigay na ri ito ng pagkain sa halos 350,000 pamilyang Filipino na nawalan ng kabuhayan sa panahon ng COVID-19 pandemic lockdowns.

Bukod pa dito ay umabot na rin sa 13,000 Filipino ang natulungan ng foundation sa pamamagitan ng dialysis treatments na isa sa napakalaking pabigat sa bulsa ng pamilyang may sakit sa kidney.

Bunsod ng mga ginagawang tulong ng Pitmaster Foundation sa ating mga kababayang nangangailangan mula Luzon hanggang Mindanao ay binigyan ng kahulugan ang PITMASTER bilang “Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief”.

The post Pitmaster Foundation nag-reforest ng 250 ektaryang kabundukan sa Quezon at Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pitmaster Foundation nag-reforest ng 250 ektaryang kabundukan sa Quezon at Laguna Pitmaster Foundation nag-reforest ng 250 ektaryang kabundukan sa Quezon at Laguna Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.