Naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon ang 7.0 magnitude earthquake na ang sentro naitala sa hilagang bahagi ng Abra nitong Miyerkoles ng umaga.
Binaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa magnitude 7.0 ang lindol na una itong iniulat na magnitude 7.3.
Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng pagyanig sa bayan ng Langilang, at may lalim na 25 kilometro.
Naitala ang Intensity IV sa Quezon City at naramdaman ang pagyanig sa ilan pang lalawigan sa Luzon.
Ipinahayag ng Phivolcs ang intensity na naitala sa bawat lalawigan na naabot ng pagyanig:
Intensity VII – Bucloc and Manabo, Abra
Intensity VI – Vigan City, Sinait, Bantay, San Esteban, Ilocos Sur; Laoac, Pangasinan; Baguio City;
Intensity V – Magsingal and San Juan, Ilocos Sur, Alaminos City at Labrador, Pangasinan; Bambang, Nueva Vizcaya; Mexico, Pampanga; Concepcion, at Tarlac City, Tarlac; City of Manila; City of Malabon
Intensity IV – City of Marikina; Quezon City; City of Pasig; City of Valenzuela; City of Tabuk,
Kalinga; Bautista and Malasiqui, Pangasinan; Bayombong at Diadi, Nueva Vizcaya; Guiguinto, Obando, at San Rafael, Bulacan; San Mateo, Rizal
Intensity III – Bolinao, Pangasinan; Bulakan, Bulacan; Tanay, Rizal
Intensity II – General Trias City, Cavite; Santa Rosa City, Laguna
Instrumental Intensities:
Intensity VII – Vigan City
Intensity V – Laoag City, Ilocos Norte; Peñablanca, Cagayan; Dagupan City, Pangasinan;
Sinait, Ilocos Sur; Baguio City
Intensity IV – Gonzaga, Cagayan; Baler, Aurora; Bayombong, Nueva Vizcaya; Ramos, Tarlac;
Ilagan, Isabela; Basista, Pangasinan; Claveria, Cagayan; San Jose, Palayan City at
Cabanatuan City, Nueva Ecija; Madella, Quirino; Tabuk, Kalinga; Santiago City, Isabela
Intensity III – Quezon City; Iba, Zambales; Navotas City, Malabon City, Metro Manila;
Magalang & Guagua Pampanga; Bolinao, Sison & Infanta, Pangasinan; Bulakan, San Ildefonso,
Guiguinto, Plaridel, at Malolos City, Bulacan; Tarlac City, Tarlac
Intensity II – Dona Remedios Trinidad, Angat at Santa Maria, Bulacan; Tagaytay City, Cavite;
Pasig City Metro Manila; Polillo, Gumaca at Infanta, Quezon
Intensity I – Tanay, Taytay, Morong, Antipolo City, Rizal; Marilao,Bulacan; San Juan City,
Las Pinas City, Metro Manila; Lucban, Quezon; Subic, Zambales; Mercedes,Camarines Norte;
Olongapo City, Zambales; Carmona, Cavite.
At dahil sa lakas ng lindol na tumama sa Abra, napinsala ang ilang gusali at bahay.
May ilang gusali na tumagilid, habang ang iba nagkaroon ng mga bitak.
Napinsala din ang World Heritage Site na Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur.
Wasak ang mga heritage house at nadaganan ng mga bato ang mga sasakyang naka-park.
Kasama rin sa mga napinsala ang Syquia House, Favis House, Vigan Cathedral at iba pang heritage houses.
Nadurog ang ilang bahagi ng Bantay Bell tower Ilocos Sur.
The post 7.0 magnitude lindol yumanig sa Abra: Ilang bahay, gusali wasak appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: