Facebook

Bea nag-throwback sa hirap na dinaanan sa showbiz

Ni JOVI LLOZA

SA isang panayam kay Bea Alonzo ay buong ningning nitong ibinahagi at napa-throwback ito nung nag-start sa showbiz.
Noon daw talaga ay walang hairstylist or wardrobe as in, kanya-kanya sila.
Kanya-kanya silang make up at ayos sa buhok at dala ng gagamitin sa taping.
Nagbalik sa alaala ni Bea noong ume-extra-extra pa ito pinapadala sila ng 50 pambahay na kailangan at gagamitin sa teyping.
Wala naman daw ganun kadaming pambahay ang ordinaryong tulad ni Bea.
At nung pinapadala sila ng 25 na pang alis na damit.
Nang i-check nga ng mahusay na aktres ang kanyang closet noon ay ta-tatlo lang ang maong niya.
At dahil 25 piraso ang need ay talaga namang nag ikot-ikot sa kapitbahay at nanghiram ang mudra ni Bea para mabuo ang gagamitin na pang alis na damit.
Dagdag alaala pa ni Bea kaya nung nasahod na ito na ‘di kalakihan ay binibilhan na siya ng kanyang nanay sa Divisoria.
Hindi naman naging hadlang ang mga pinagdaanan ni Bea na kahirapan bago pa man nito narating ang rurok ng tagumpay.
***
Ria nagluluksa sa pagkawala ni Kaspian
SA post sa IG ni Ria Atayde ay ibinahagi nito ang labis na kalungkutan dahil sa pagkamatay ng kanyang alagang pusa na si Kaspian.
Inamin ng dalaga na wala itong kahilig-hilig sa pag-aalaga ng pusa.
Nagsimula nga lang ang kanyang pagkahilig nang ipaalaga sa kanya ng kanyang kaibigan ang alaga nitong pusa at doon na nagsimula.
Kaya labis na kalungkutan ni Ria nang iwan na siya ni Kaspian na 7 years na niyang kasama.
Maraming kaibigan ang nakiramay na kanyang pinasalamatan with her picture kasama si Kaspian.
Dagdag pa ni Ria sa socmed na takot nga raw sa lalaki si Kaspian dahil ang kuya Arjo nito ay ginugulat ito kapag gusto nitong laruin.
Well, well, well…’Yun na!

The post Bea nag-throwback sa hirap na dinaanan sa showbiz appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bea nag-throwback sa hirap na dinaanan sa showbiz Bea nag-throwback sa hirap na dinaanan sa showbiz Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.