Facebook

Mga pulis na holdaper

Nagiging masyadong kontrobersiyal sa ilang lugar dito sa 2nd district ng Tondo ang isang grupo ng mga pulis na kung bansagan ay “team pogi” na diumanoy nakadetine sa isang departamento ng Manila Police District MPD-PS7 sa Jose Abad Santos Avenue Tondo, Manila.

Ang mga ito ay may isa umanong battlecry o’ motto na isang kasalanan daw kung meron laman pera ang iyong bulsa dahil ito kanilang kukumpiskahin may violation man o wala.

Lulan ito ng kanilang mga motorsiklo na walang ibang gagawin kundi ang umikot at rikisahin ang mga lugar na kung tawagin nila ay ‘ Scene of the crime” na kung saan lahat ng mga taong makita at madatnan nila ay kanilang kakapkapan.

Ayon sa mga saksi, walang ibang hangad at motibo ang grupong ito kundi kumpiskahin ng legal ang inyong mga pera at anumang bagay na mahalaga tulad ng cellphone.

Isa lang umano ang tatanong ng mga ito…” ano ang ginagawa niyo dito na alam niyo namang pugad ng droga at mga illegal na sugalan” kung kaya’t ang mga perang maku-kumpiska nila ay papalabasing pang-iskor ng droga o dili kaya ay drug money na hindi mo na mababawi.

Bawal din daw tanungin ang mga ito na kung ano ang nagawang violation at mas lalo na ang tanungin mo sila ng kanilang pagkakakilanlan dahil bulyaw at mura lang ang itutugon sa inyo ng mga ito. Puro naka-sibilyan ang mga ito kaya hindi naman siguro masama na sila ay tanungin, di po ba ?

Meron din namang dinadala sa presinto ang mga ito matapos simutin ang laman ng iyong bulsa at makumpiskahan ng droga. Doon daw ay kakasuhan ka ng 1602 tapos ay libre ka ng makakauwi nguni’t iiwanan ka ng matinding banta na ikaw ay tutuluyan na nila kapag ikaw ay muling nahuli.

May naging biktima ang mga ito na nakunan daw ng halagang P 1,500 ng grupong ito samantalang siya ay naninigarilyo lang sa kahabaan ng Solis st.

Agad daw siyang inakusahan na ang perang nakuha sa kanya ay drug money at pilit na sinakay sa kanilang mga motor sa kabila ng kanyang pagtanggi..

Laking gulat daw niya nang dumaan sila ng Jollibee na kung saan daw ibinili lahat ng pagkain ng mga pulis ang nakuha sa kanyang pera at tatawa-tawa na lang daw na pinakita sa kanya ang resibo.

Akala daw niya ay absuwelto na siya ngunit dinala pa rin siya sa isang kuwarto sa likod ng himpilan ng Station-7 tabi ng basketball court.

Makalipas daw ang ilang minuto ay pina-uwi rin siya at sinabing hindi na siya kakasuhan at arbor na lang ang kanyang pera dahil kikitain din naman niya ito kaagad, he… he… he…

Iiling-iling daw siyang lumabas ng kuwarto nguni’t di daw niyang makuhang umuwi agad dahil sa sama ng loob na dinanas niya sa mga humuli sa kanya.

Nagtanong-tanong daw muna siya sa mga taong nakatambay sa labas hinggil sa identity at departamento ng mga pulis na humuli sa kanya.

Bagama’t hindi niya daw nakuha ang mga identity ng mga ito ay sigurado naman daw na naka-assign ang mga ito sa warrant section at Intel dahil sa mga kuwarto ng mga ito dinala.

Nalaman din daw niya na hindi naka-assign sa DEU ng nasabing presinto ang mga pulis na humuli sa kanya dahil sa Lico st. dapat siya dinala na kung nasaan ang himpilan ng mga ito.

Ang mga istilong ito ang mga sanhi at dahilan kung bakit tinawag silang mga holdaper na pulis. Ganito lang daw ka daling kumita ng pera ng mga ito.

Ang mga illegal na aktibidad ng mga damuhong ito ay siguradong hindi alam at mas lalong hindi kukunsintihin ng kanilang station commander na si Lt. Col. Robert Domingo, bakit kamo?

May ilan pagkakataon na kasing naging reklamo itong ganitong insidente na kinasasangkutan umano ng kanyang mga pulis.

Si Domingo mismo ang humarap sa mga biktimang dumudulog sa himpilan. Siya rin mismo ang nagpakita ng litrato ng kanyang mga pulis sa lahat ng departamento.

Pilit na pinapaturo sa kanila ng butihing station commander ang sinumang pulis na kanilang makikilala nguni’t nahirapan din mag-turo na lang ng kung sino-sino ang mga biktima dahil sa mga suot nitong mga facemask.

Negatibo man ang kanilang dinulog, binigyan pa rin naman sila ng kanilang pamasahe at panggastos ni Domingo na mabigat na nagbilin na kunan kaagad nila ng litrato ang mga ito sakaling maulit ang insidente.

Malalaman natin ang susunod na hakbang na gagawin ni Domingo laban sa mga pulis na ito na siguradong sisira sa kanyang mabuting pangalan at reputasyon.

The post Mga pulis na holdaper appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga pulis na holdaper Mga pulis na holdaper Reviewed by misfitgympal on Hulyo 18, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.