Arestado ang isang barangay kagawad nang salakayin ang bahay nito at nadiskubre ang nakatagong mahigit 5 gramo ng shabu sa Brgy. Turod-Patac, Cabugao, Ilocs Sur.
Kinilala ang suspek na si Leo Ronnel Taberna y Tabaco, 36.
Sa ulat, nagtungo sa bahay ng suspek ang pinagsanib na puwersa mula sa Cabugao MPS (lead unit), PIU ISPPO, RDEU, PDEU, 101st MC, RMFB1, 1st PFMC at Cabugao Maritime Police Precinct upang i-serve ang search warrant na inilabas ng Presiding Judge ng RTC 24, Cabugao, Ilocos Sur laban kay Tabaco.
Sa paghahaluhog ng mga otoridad, nadiskubre ang 7 plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na shabu na nakalagay sa loob ng rectangular na tiny metal candy container.
Tinatayang tumitimbang ng 5.061 gramo at may street value na P45,549 ang shabu na nakumpiska ng mga otoridad.
May suot na Alternative Recording Devices ang mga otoridad nang isagawa ang naturang operation.
Sinaksihan din ito ng mga kapamilya ng biktima, DOJ Representative, Media representative, kapitan ng barangay at mga iba pang barangay officials.
Ang suspek pati na ang mga nakumpiskang shabu, nasa kustodya ngayon ng Cabugao Municipal Police Station para sa mga gagawing dokumentasyon at tamang disposisyon.
The post Konsi huli sa ‘bato’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: