Ex-beauty queen kinasuhan ng adultery ng dating mister; Ruffa idiniin, malabo nang makipagbalikan kay Yilmaz
Ni GERRY OCAMPO
IKINAGULAT ng ex- beauty queen na si Maggie Wilson na pinadlak ang kanyang bahay sa Taguig City last Friday.
Year 2021 ay may nabalita na hindi na okey ang pagsasama nina Maggie at mister na si Victor Consunji, CEO ng Development Corporation (VCDC), DMCI. Balita pa na nagkahiwalay sila noong 3rd quarter ng year 2021 na isinapubliko pero nagsabi na mananatili silang co-parenting sa nag-iisang anak nila na si Connor, 10 years old.
Pero hindi pa natatapos, year 2021 ay nabalita na hindi okey ang ex-couple dahil umano sa may kinalaman itong business partner nilang dalawa na si Tim Connor na ang tunay na pangalan ay Tim Jayankura Na Ayudha, British Thai Business mogul at miyembro ng Thai Royal family.
Wala rawpinirmahan na legal separation sina Maggie at Victor dahil wino-workout pa raw ito.
So, (if true) technically ay mag-asawa pa rin sina Maggie at Victor kaya nakapag-file ang huli ng three counts of adultery laban sa ex-beauty queen at kay Tim.
Dahil nasa ibang bansa si Maggie ay nagulat ito nang iparating sa kanya ng kapatid kasama ang 5 years old nitong anak na pinatira niya sa kanyang bahay, ang nangyaring kaguluhan last Friday.
Ayon kay Maggie sa kanyang Instagram video post ay pumasok daw ang mga representative ng VCDC, DMCI sa kanyang bahay.
“Both members of Victor Consunji Development Corp accompanied by the local barangay of Bambang, Taguig on behalf of Victor Consunji and DMCI, entered my home illegally, with no notice, no warrant, and no proper paperwork” Instagram post ni Maggie.
“They slated that the property is owned by DMCI despite me explaining over the phone on multiple occasions, that there is a contract that exist on the property signed by Bernie Mendoza himself.
“They entered my home and took videos of personal belongings of those of myself and my family illegally.”
Sabi pa ng former beauty queen, “This is a very real threat. It could potentially happen to you on VCDC and DMCI land despite having the correct paperwork in place.”
Ikinuwento rin ng kapatid ni Maggie na may ipinakita raw itong property contract sa mga opisyales ng VCDC at DMCI pero nagkatawanan daw saka nag-alisan at pinutulan sila ng kuryente.
Payo ng taga-Meralco sa kapatid ni Maggie na kausapin daw ang owner ng DMCI para magkaayos sila at maibalik ang kanilang kuryente.
Sabi ni Maggie, “I fear that if I was there, they would have used them on me. I am currently away for business. I`m scared for mine and my family`s life.
“Kaya nanawagan at humingi ng tulong si Maggie sa ating gobyerno.
“I urge our government and others to please step in and do something immediately. I plead with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harrassment happens in the Philippines, especially to women day in and day out”
Ayon naman sa legal counsel ni Maggie ay hindi raw nila palalampasin ang ginawa ng VCDC DMCI dahil illegal daw ang pagpasok ng walang paalam sa bahay at iba pang ginawa na illegal.
Nagpahayag si Maggie sa kanyang Instagram stories ng, “The truth about EVERYTHING will come out soon.”
***
NAG-open-up na si Ruffa Gutierrez sa kanyang last break-up sa interview sa kanya , pangalan ay hindi naman kaila sa lahat na ang last boyfriend niya ay si Jordan Mouyal, isang French-Israeli businessman.
“I had one long relationship that lasted 7 years and we broke-up about 2 years ago because I just felt that the relationship wasn`t going anywhere. We`re still friends. I`m not mad at him.” pagtatapat ni Ruffa.
“And then, the new one?” tanong ni Dra Belo na ikinatawa ni Ruffa.
Ayon kay Ruffa, “ I just wanna take things slow. I don`t believe in whirlwind romances. Although for some couples, it works, di ba? Para sa akin, I really want to get to know the person and I think, the more you spend time with the person, the more you converse with the person, you get to know more about, you know, the one that you`re dating.”
Inamin din ni Ruffa na interesting daw ang lalaking kanyang idine-date sa ngayon na kahit hindi pinangalanan ay alam ng karamihan na si Herbert Bautista ang nali-link sa kanya.
“He`s very interesting, very smart, I just want someone who`s gonna be there for me. Someone that`s gonna guide me, show me the way, someone who`s patient with me.
“Ayoko na yung mga, “Nasa`n ka? Sa`n ka pupunta?` Oh, my God, please? Like I don`t want stress,” say pa niya.
Napag-usapan din ang tungkol sa ex-husband niya na si Yilmaz Bektas dahil kamakailan lang ay nagpunta ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice sa Turkey para makasama ang kanilang ama.
Marami ang nagtatanong kung tanda na raw ba yun ng possible reconciliation nila ni Yilmaz.
“Walang return of the comeback. Ano lang ito, comeback, reunion lang ng mga anak ko at si Yilmaz,” pahayag ni Ruffa.
Samantala, pagdating sa pelikulang Maid in Malacanang na gagampanan ni Ruffa ang role ni former First Lady Imelda Romualdez Marcos ay super happy ito kahit na nakakaranas siya ng pamba-bash sa mga kalaban ng Marcos.
May nagsasabi na hindi nila ito panonoorin dahil ayaw nila sa mga Marcos. Pagtatanggol naman ng mga maka-Marcos ay hindi nila pinipilit at sila na lang ang manonood.
Nabanggit ni Ruffa na inaabot ng dalawang oras ang pag-aayos ng kanyang buhok para gayahin ang buhok ng First Lady Imelda Marcos. Kinakailangan pa raw niya ng bonggang hot oil treatment pagkatapos ng shooting dahil sa rami ng ginagamit na hairspray at pagti-tease sa kanyang buhok.
The post Ex-beauty queen kinasuhan ng adultery ng dating mister; Ruffa idiniin, malabo nang makipagbalikan kay Yilmaz appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: