Ni JOVI LLOZA
WALANG pagsisisi ang mahusay na aktor na si Jake Cuenca kung ang lahat ng relasyon niya ay nauuwi sa hiwalayan.
Sa vlog ni Charlie Dizon ay pokus ang aktres na tanungin si Jake about sa lovelife nito.
Natanong kung may nadama ba itong regret sa mga nakahiwalayang gf.
Big no ang sagot ng ex bf ni Kylie Versoza.
Naniniwala si Jake na may darating pa sa kanya na masasabing last love niya.
Sa edad nitong 34, umaasa pa si Jake at sana ay makatagpo na raw nito ang babaeng makakasama for life na magiging ina ng kanyang mga anak.
Kung may gustong makabalikan si Jake sa mga naging ex ay ayaw naman nito magsalita nang tapos.
At ubra naman kay Jake ang reconciliation or second chance kung sino ‘yun ay di naman pinangalanan ng aktor.
Isa pang tanong kung sino ba ang biggest dream nito na aktres na gustong makatrabaho.
Walang kagatul-gatol na sagot ni Jake na ang matagal na kaibigan na actress na si Jodi Sta. Maria.
Nakakasama na raw niya ito sa programa pero sa pelikula at serye ay di pa kaya dream niya na maka-work si Jodi.
***
Kanya-kanyang tagasuporta nina Jane at Darryl Yap magboboykotan
TILA may isang netizen na binuhay ang pagiging Kakampink nitong si Jane De Leon na gaganap na bagong Darna.
Nangumbinsi ang netizen na iboykot ang nalalapit na pagpapalabas ng Darna ni Jane sa Kapamilya.
May pahiwatig na kasi na matatapos na si Cardo Dalisay sa Ang Probinsiyano.
Kapalitan nito ang paglipad ni Darna na si Jane.
Masidhi naman ang netizen sa panawagan nito na iboykot ang Darna.
May sumang ayon at meron din tumutol at huwag naman daw personalin si Jane porke ba raw sumuporta ito sa dating Bise Presidente na si Leni Robredo nung May 9 election.
Kung boykot din lang ang pag uusapan ay may mga ugong na iboboykot din ang Maid In Malacañang ni Darryl Yap na tagasuporta ni PBBMJr.
Hmmmp!? May ganun!? Well, well, well…’Yun na!
The post Dahil loveless…Jake si Jodi naman ang tinatarget appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: