Ni ARCHIE LIAO
APAT na ang nagawang proyekto ng magaling na director na si MacArthur Alejandre para sa Vivamax na tatlo rito ay may temang sexy.
Ang tatlong obra niya ay sinulat ng National Artist for Film na si Ricky Lee tulad ng critically-acclaimed na “Silip sa Apoy.”
Ani Direk Mac, kahit sexy ang mga nagawa niya sa Vivamax, bilang isang director, nacha-challenge pa rin daw siya.
Sa bawat materyal daw naman na ginagawa niya ay marami siyang insights na natututunan.
Pagbabahagi pa niya, karamihan sa mga tema ng kanyang mga obra ay tumatalakay sa relasyon.
May soft spot daw kasi sa kanya ang mga ganitong klase ng kuwento dahil isa siyang magulang at isa rin siyang anak.
Sa pinakabago niyang 8 part series na “Wag Mong Agawin ang Akin”, pinapaksa ng serye ang tungkol sa relasyon ng mag-ina.
“Ang core kasi ng kuwento is about relationship ng mag-ina. Partial kasi ako sa relationship stories. Partial ako pag ang kuwento ay tungkol sa nanay dahil mahal na mahal ko ang nanay ko. Partial ako pag ang kuwento ay tungkol sa anak dahil mahal na mahal ko rin ang aking anak ko. I have a daughter who is 28 years old, “aniya.
“Ang relationship kasi kahit universal, may uniqueness sa bawat tao. Each relationship is unique. It is always interesting to explore the nuances and the impact of how you will treat the relationship,” dugtong niya.
Tungkol naman sa dynamics ng kanyang working relationship sa kanyang mga actor sa “Wag Mong Agawin ang Akin”, pinairal daw niya ang kanyang approach na “management by objective,” lalo na sa mga eksenang kailangang maghubad ang mga ito.
“Nilinaw ko sa kanila kung ano ang objective ng bawat eksena at hinahanapan ko siya ng koneksyon sa kanilang roles. May set of rules kasi ako pagdating sa actors ko. Wala akong pinagagawa na di nila gustong gawin. Kung ayaw nila, walang pilitan. Pag pumayag sila, kailangang ipaliwanag ko sa kanila kung bakit kailangang gawin iyon. Pag pumayag sila sa set lalo na sa mga maseselang eksena, iyon lang kailangang-kailangan sa set ang nandoon, habang nasa monitor naman ako at nagbibigay ng instructions,” kuwento niya.
Puring-puri naman ni Direk Mac ang kanyang mga actor dahil sa pagiging propesyonal at cooperative ng mga ito.
Ang ‘Wag Mong Agawin ang Akin” ay kuwento ng tunggalian ng mag-inang naging magkaribal sa pag-ibig sa iisang lalake.
Pinagbibidahan ito nina Jamilla Obispo at Angeli Khang bilang mother-daughter tandem.
Kasama rin sa pelikula si Felix Rocco na gumaganap bilang lalakeng pinag-aagawan nila.
Mapapanood na sa Vivamax simula sa Hulyo 31, tampok din sa cast sina Aaron Villaflor, Yayo Aguila, Lara Morena, Josef Elizalde, Angelica Cervantes at Hershey de Leon.
Si Mac ang director ng 2020 Metro Manila Film Festival entry na “Tagpuan” na nagtampok kina Iza Calzado, Alfred Vargas at Shaina Magdayao at “Kaputol” na pinagbidahan nina Cherie Gil at Alfred Vargas.
Bukod sa critically-acclaimed Vivamax film na “Silip sa Apoy”, ilan pa sa mga kredito niya ang “My Husband, My Lover” at ang upcoming LGBTQIA+ movie na “May-December-January.”
The post Direk Mac Alejandre relate sa relasyong mag-ina appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: