ISANG mataas na opisyal ng Department of National Defense (DND) ang nanawagan sa sambayanang Pilipino na manatiling buo at nagkakaisa sa gitna ng naglalabasang ulat na may ilang grupo ang nagpaplano ngayon upang hatiin ang pamahalaan bilang isang bansa.
Sinabi ni DND Undersecretary Jose Faustino Jr., na ngayon ang panahon upang maipakita ang pagkakaisa ng bawat isa.
Ito ang reaksyon ni Faustino nang lumutang na naman ang isang ‘fake news’ na nagsasabing nag-resign na bilang executive secretary si Atty. Vic Rodriguez.
Ang ‘fake news’ na ito ay kaagad pinabulaanan ni Rodriguez nitong Biyernes nang personal nitong papasukin sa kanyang tanggapan sa Palasyo ang mga miyembro ng Malacanan Press Corps.
Sinabi ni Faustino na ang kanilang departamento ay isang ‘professional organization’ na mariing sumusunod sa mandato ng sambayanan bilang tagapagtanggol at tagapangalaga ng seguridad ng bansa.
Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na bilang mga tapat na serbisyo publiko, ang buong hanay ng DND, kabilang ang mga sundalo, airmen, marines, at civilian human resources ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay gagawin ng tama ang mga sinumpaan nilang tungkulin sa bayan.
“Importantly, we fully support the leadership of His Excellency, President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., and his vision of a stronger and better Philippines through national unity, nation-building and economic recovery,” ani Faustino.
“Your Defense Department is cognizant of the need for cohesiveness as a people to achieve our desired goal. Hence, the recent innuendos against the Honorable Executive Secretary, Victor Rodriguez, or against any person for that matter, is an assault to his honor,” wika pa niya.
Binigyang-diin nito ang anumang hakbangin para paghati-hatiin ang bansa ay hindi maganda upang maiahon sa kahirapan ang mamamayang Pilipino at mapaunlad ang bansa.
“As a dignified people, we should protect our societal integrity. Thus, I respectfully enjoin every Filipino to stand united behind our country’s leadership,” dagdag pa ni Faustino.
The post DND official nagbabala sa paghahati-hati ng bansa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: