Facebook

Heart inirampa sa SONA ang mamahaling bag at accessories

Ni BETH GELENA

KAHIT may sentimental value kay Neri Naig, misis ni Chito Miranda, ibebenta niya ang kanyang condo unit sa halagang P6.5-M.
Ayon sa dating aktres, “sa playground sa tapat ng unit namin kami.unang nag-meet ni Chito…”
Ang nasabing condo ay may three-bedroom na matatagpuan sa Pasig City.
Kinakailangan daw niyang ibenta ang nasabing property dahil may bago siyang sisimulang project na kailangan ng malaki-laking capital.
Sabi tuloy ng netizens, ang swerte ni Chito sa asawa dahil ang sipag na maswerte pa sa negosyo.
Isang matagumpay nang entrepreneur ang dating aktres
Sa Instagram account ni Neri, sinabi niyang nabili niya ang condo nu’ng dalaga pa siya at nagkakahalaga na raw ito ngayon ng P6.5 million.
Ipinost niya ang condo para makita ng aspiring buyers.
“Binebenta ko na ang condo ko sa Riverfront kase may bago akong project na gagawin. Ikot ikot lang pampuhunan 6.5M lang sya.
“Super good deal para sa 3 bedroom condo with parking pa! Sa playground sa tapat ng unit namin kami unang nagmeet ni Chito, hihi! Di ko kase binigay yung exact condo unit ko baka kase stalker ‘to at baka palaging nasa labas na ng condo ko nag-feeling agad ako.
“Sa lahat ng naghahanap ng good deal condo for sale, check my condo — 3 Bedrooms, 2 T&B, may malawak na veranda, may kasamang parking spot sa ilalim mismo ng unit, may laundry cage sa roof deck, Total Area 101.5sqm, located sa Pasig City, super lapit sa BGC, Ortigas Area, Landers, Tiendesitas, Eastwood City, no flooding history, PUV available sa gate ng community, may clubhouse, ballroom, billiards, karaoke room, gym, convenience store and water station, may 2 swimming pool, basketball court, and badminton court, pet friendly, may picnic area, and may 2 playground, gated community na may 24hr security.”
Ibinahagi rin ni Neri na kamakailan lang ay nakabili sila ni Chito ng bahay sa Baguio City. Nauna rito, nagtayo rin sila ng Thai restaurant sa Baguio, ang Lime and Basil.
Hindi mapigilan ng netizens ang mapasigaw ng “Sana all!!!”
***
MATTEO PROUD HUSBAND KAY SARAH G.
Nag-celeberate ng 34th birthday ang Popstar Royalty last July 25.
Syempre pa, her loving husband, Matteo Guidicelli greeted nang nakakikilig na birthday message.
Sey ng aktor-singer sa kanyang Instagram account, “Happy birthday my love! I hope you enjoyed your special day today. You deserve all the love and happiness in the world!! Seeing you bloom into a lady has been an incredible experience. Proud husband right here! Keep that fire burning! We love you. I love you very much.”
Maging si Angeline Quinto ay hindi nakalimutang batiin ang kapwa singer sa kaarawan nito.
Sa IG post ni Angge, she wrote a sweet message at pinasalamatan din niya ang singer-actress for always checking on her and baby Sylvio, ang kanyang anak.
Samantala, pinag-uusapan sa social media ang latest posted vlog ng celebrity couple.
On YouTube, the couple gave their fans a glimpse of their recent groundbreaking ceremony.
Ilo-launch ng mag-asawa ang kanilang sariling studio named G Studios.
Ayon sa singer, nag-iisip sila ni Matteo kung papano pa mag-grow as an artist.
***
SENADORA NANCY LEVEL UP NA SA PANANAMIT
Naglabas ang entertainment site ng Top 10 Best Dressed ng mga nagsidalong pulitiko sa SONA 2022 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pabulosa ang gown na suot ng mga asawa ng pulitiko at maging ang mga senadora at mayora
Nangunguna sa kanilang listahan ay ang Mayor ng Manila na si Hon. Honey Lacuna na ang designer ay si Jo Rubio
Pumangalawa ang misis ni Congressman Richard Gomez, ang Mayora ng Ormoc City Lucy Torres-Gomez na gawa naman ni Randy Ortiz.
Pumangatlo ang actress-fashion icon Heart Evangelista, misis ni Senator Chiz Escudero. Si Mark Bumgarner ang nag-design ng gown ni Heart.
Ang former beauty queen na si Angelica Revilla na gawa ni Rob Ortega ay nasa row 4. Misis siya ni dating Vice Governor Jolo Revilla now a Congressman of Cavite 1st District.
Number 5 in Best Dressed is Bernadette Barbers in Paul Cabral designed.
Number 6 naman Si Cong. Len Alonte na likha ni Michael Leyva
Best Dressed #7 Kathryna Yu-Pimentel also in Michael Leyva.
Pasok naman sa number 8 si Sen. Nancy Binay na gawa nina Randy Ortiz at Michael Leyva.
Nagpalit kasi ng gown ang senadora after ng session ng mga senador bago sila tumungo sa SONA.
Number 9 in Best Dressed si Usec. Emmeline Aglipay-Villar na gawan naman ni Lulu Tan-Gan
Best Dressed #10 Marga Nograles in KAAYO Modern Mindanao.
Mas napansin ng netizens ang kasuotan ni Senadora Nancy.
Anila: “Level up si Sen Nancy”
May nagtanong, “Question po. Bakit may iba na dalawang dress? Hati po ba yung event? Curious lang po”
May nagpaliwanag, “kung mapapansin mo halos ung mga tig 2 ang dress ay mga senador or asawa ng senador, may event din kasi sila sa senado kanina, and since sa house of rep naman ung sona may time pa sila na magpalit ng dress.”
“Magaganda yun mga gowns na may color. Honey Lacuña and Marga Nograles for me on this round. The rest ng ladies na naka white looks like a bridal gown to me. Pwede inspiration if bet mo ang mala-filipiniana touch. Love those who dare the bright and bold colors!
“Same! Best dress for me Marga Nograles, but Best Dressed si Mayor Honey. :)”
“The gown of marga looks like anna’s of frozen lol”
“Inferlu kay Mayor Honey. Ang ganda ng silver gray hair nya. Si Senadora Nancy ilang beses na syang nasa Best Dressed. Bumabawi si Madame”
“Magaling sya magdamit. Pag may mga event palagi kabog. Magaling din magdala”
“Mayor Honey is always one to look out for esp dun sa kanyang slit kung slit na gown sa proclamation. Pak na pak si mayora!”
“Sen. Nancy nag glow up na talaga from previous SONAs, di lang sa outfit kundi sa face din…ang ganda pala ng mukha niya.”
In fairness sa entertainment site ang daming humanga sa top 10 choices nilang best dressed kudos din sa mga designer.
***
BILANG isang fashionista wala na sigurong tatalo pa sa actress na si Heart Evangelista.
Alam niya kung saan ibabagay ang accessories na bitbit niya.
Tulad na lang nang um-attend siya sa 1st SONA ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. o PBBM last July 25.
Tenernohan ni Heart ang magarbo niyang kasuotan ng Hermès Kelly Sellier bag nang dumalo siya sa first senate session with husband Sen. Chiz Escudero para sa 19th Congress sa Pasay City.
Nang tumungo naman sila ni Sen. Chiz para sa first-ever State of the Nation Address, nagpalit ng handbag ang actress ng Bvlgari Serpenti cocktail clutch bag.
Ano pa nga ba ang aasahan ng netizens kundi perfect ang OOTD ni Heart from head to toe.
Eto ang detalye ng dalang bag ni Heart sa Senate session.
She brought her 20cm Hermès Kelly Sellier bag in Beton Matte Alligator.
Nabili ni Heart ang bag nu’ng pumunta siya sa Paris, France last January 2022.
Ayon sa Madison Avenue Couture, ang tiny bag ay nagkakahalaga ng USD89,500 or around PHP4,999,917.50.
Para naman sa Bvlgari “Serpenti” cocktail clutch in white agate metallic karung skin na dala naman niya sa SONA, ayon sa brand’s website, ang bag ay nasa presyong USD3,450.00 or around PHP192,694.58.
For both looks, Heart wore accessories from Bvlgari, Tiffany and Co., and Royal Gem.
May suot ding Bvlgari’s Serpenti viper bracelet ang Kapuso actress.
Ang bracelet ay gawa sa 18-karat white gold and set with full pavé diamonds.

The post Heart inirampa sa SONA ang mamahaling bag at accessories appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Heart inirampa sa SONA ang mamahaling bag at accessories Heart inirampa sa SONA ang mamahaling bag at accessories Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.