Ni ROMMEL PLACENTE
KINUMPIRMA ng dating aktor at mayor ng Manila na si Isko Moreno sa panayam sa kanya ng Modern Parenting, na totoong may apo na siya mula sa panganay na anak na si Joaquin Domagoso.
“Isa sa mga blessings ay lolo na ako. Ang pogi ng apo ko,” sabi ni Isko.
Ang ina ng apo ni Isko ay si Raffa, na anak din ng dating aktor na si Diego Castro, na isa na ngayong news anchor.
Ang ibinigay daw na pangalan nina Joaquin at Raffa sa kanilang panganay ay Scott Angelo Domagoso.
Ayon kay Isko, Scott daw ang palayaw niya noong bata pa siya kaya isinunod ng kanyang anak ang pangalan ng baby nito sa kanya.
Kinikilig daw si Isko sa apo niya dahil kamukha niya ito.
“Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God.
“Of course, I’m happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities.
“It’s a God-given life. It’s a blessing. Growing up is a challenge and making a better life for everyone, your family, or even your apo is hard.
“But from another perspective, it’s a blessing. Being a grandfather is an opportunity to be happier in the next decade or or two in this world,” sabi pa ni Isko sa nasabing panayam.
Si Scott ay ipinanganak sa FEU Medical Center, Quezon City, noong April 28, 2020.
***
HINDI na hinahanap ng katawan ng dating aktres na si Gem Castillo Amante ang pag-arte sa harap ng kamera. Masaya na siya bilang isang ordinaryong tao at misis ng mayor ng San Pablo City na si Vic Amante.
Sa panayam namin kay Mayora Gem nang bisitahin namin sila ni Mayor Vic sa kanilang malapalasyong tahanan, tinanong namin siya kung kumusta ang pagiging misis ng isang mayor.
“Well, very busy. Isa sa mga nalalapitan bukod kay Mayor. So ‘yung ibang nagpapahatid ng mga kailangan nila, hihingi ng tulong, minsan ako ‘yung nagiging way. Sa akin nagsasabi. But it’s okey. Maganda at masarap kasi ang nakakatulong,” sabi ni Gem.
No regrets na masasabi ni Gem na tinalikuran niya ang showbiz.
“Masaya at saka mas marami tayong natutulungan ngayon. Isa yung fulfillment sa akin,” sabi pa ni Gem.
Karamihan sa mga politician ay lapitin ng mga babae o babaero. Pero kampante at proud si Gem na sabihin na hindi nagloloko o nambababae si Mayor Vic.
“Napakabait ng asawa ko. Never pa siyang nambabae.
“Palagi ko siyang binibiro.”Hoy ang handqsome ng lalaki mo at ang gaganda ng mga babae mo. Upgraded ang lahi mo.
“Actually, natutuwa siya sa mga bata dahil matatalino rin. Hindi niya na magagawang mambabae.
Sina Gem at Mayor Vic ay may apat na anak. Isang lalaki at tatlong babe.
Yung ibang asawa ng politician ay nagiging pulitiko rin. Pero sa kaso ni Gem,wala siyang planong pasukin ang pulitika.
“Nakakatulong din naman ako kasi kahit wala ako sa posisyon,” katwiran niya.
Pero hindi nagsasalita nang tapos si Gem na hindi niya susundan ang mga yapak ng asawa.
“Mahirap kasi magsalita nang tapos tapos baka makikita ninyo rin ako na nagsisilbi na o nasa politics na pala. So let see,” sabi pa ni Gem na kahit tumaba ay mababanaag pa rin sa mukha ang kagandahan.
The post Ex-Yorme Isko kinikilig sa kamukhang apo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: