Facebook

Lalaki nag-amok sa lamay ng anak: 1 patay, 2 sugatan

Patay ang isang katao at dalawa ang malubhang nasugatan nang saksakin nang mag-amok ang padre de pamilya sa burol ng anak sa Tondo, Maynila nitong Martes.

Kinilala ang nasawi na si Emedina Nabua, 69, kapitbahay ng naarestong salarin na si Aries Coquilla; habang inoobserbahan pa sa Jose Reyes Medical Center ang asawa nito na si Jennifer, 34; at bunsong anak na si Ryza, 3 anyos at kapwa residente sa 2624 Dagupan Extension Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Maj. Johnnyboy Itcay, hepe ng Tondo community precinct 7, bigla na lang nagwala ang salarin sa burol ng nasawing anak sa Brgy. 163 Dagupan Extension.

Matapos pumasok si Coquilla sa bahay, sinaksak niya ang 3 anyos na anak at ang kanyang asawa.

Sunod namang pinasok ni Coquilla ang tindahan kung saan nagbabantay ang 69 anyos na lola. Sinaksak niya rin ito at napatay.

Sa pagresponde ng pulis, naabutan pa si Coquilla na may dalang jungle bolo na ginamit sa pananaksak nito sa mag-ina niya at sa isa pang residente.

Inabot din ng ilang oras ang negosasyon bago ito ma-corner at tuluyang mahuli ng pulis.

Sa presinto, inamin ni Coquilla ang pananaksak. Ayon kay Coquilla, balak niyang patayin ang buo niyang pamilya at isunod ang sarili. Lima ang anak nito.

Labis na kalungkutan ang nagdala sa salarin para magawa ang krimen, nang matagpuan niyang wala ng buhay ang anak.

Nitong Miyerkoles, isinampa ang mga kasong homicide, two counts of frustrated parricide, at alarm and scandal laban kay Coquilla.(Jocelyn Domenden)

The post Lalaki nag-amok sa lamay ng anak: 1 patay, 2 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki nag-amok sa lamay ng anak: 1 patay, 2 sugatan Lalaki nag-amok sa lamay ng anak: 1 patay, 2 sugatan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.