BUTUAN CITY – Naglunsad ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa natagpuang bangkay ng 14 anyos dalaga na pinaniniwalaang hinalay sa Lingig, Surigao Del Sur.
Kinilala ang biktima na si Maria Bandayanon na taga Purok-5, sa nasabi ring barangay.
Sa ulat, natagpuan ang bangkay sa damuhan ilalim sa mga puno ng niyog sa may Purok-2b, Barangay Poblacion, sakop sa nasabing bayan. Nakita ito ng mga linemen ng isang telecommunication company na gumagawa ng linya.
Ayon sa ina ng biktima, nagpaalam ang kaniyang anak na pupunta sa disco sa kabilang barangay na may piyesta.
Nagtataka na lamang ito na hindi na nakauwi ang biktima hanggang natagpuan na lamang ang bangkay.
Pinaniniwalaang hinalay ito bago pinatay dahil wala na ang damit na pang-ibaba ang biktima ngunit patuloy pang hinihintay ang resulta sa ginawang imbestigasyon ng SOCO.
The post 14-anyos dalaga galing disco, ni-rape at pinatay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: