Nag-resign ang alkalde ng bayan ng Pulupandan, Negros Occidental dahil sa problema sa kalusugan.
Sa kaniyang sulat kay Governor Bong Lacson nitong Miyerkoles, Hulyo 20, sinabi ni former Mayor Lorenzo Eduardo Mario Antonio Suatengco na hindi na niya magagampanan ang kaniyang mga tungkulin kaya kaniya nang ipagkakatiwala ang mga ito sa kaniyang pinsan na si Vice Mayor Miguel Antonio Pena.
Si Pena rin ang dating mayor na naka-tatlong termino hanggang ngayong taon.
Dahil dito, ang No. 1 councilor na si Anthony Gerard Suatengco ang malalagak sa katungkulan bilang vice mayor.
Hindi inilagay ng dating alkalde kung ano ang kaniyang sakit. Wala ring makapagsabi ng kaniyang karamdaman.
The post Mayor ng Pulupandan, Negros Occ. nag-resign appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: