Facebook

Patay na ang Kabayo

Yesterday’s the past, tomorrow’s the future, but today is a gift. That’s why it’s called the present. — Cartoonist Bill Keane

PASAKALYE:

Text message . . .

Info./Report! Gaano nga ba ka “talas ang pangil ng batas” pagdating sa mga sasakyang may blingker at wang-wang? hindi na yata ito pinapansin ng mga otoridad! Hindi pa rin nawawala ang palakasan system may mga sasakyang may blingker at wang-wang pero hindi naman sinisita at hinuhuli, paki double check lang po kung sino o kanino nakarehistro ang sasakyang ito, white van w/plate number NBJ 5011 may blinker at wang-wang! madalas makita ito sa bayan ng Norzagaray, Bulacan at may escort pang isang taga TMG Norzagaray, Bulacan tnx. — Concerned Citizen

* * *

PABOR kami sa paninindigan ng mga election watchdog na ituloy ang halalang pambarangay; dangan nga lang ay naninindigan din an gating mga mambabatas na ipagpaliban ito dahil mas makakatipid daw ang pamahalaan sa gastusin at sa halip ay gamitin na lang muna ang pondo para dito sa stimulus program ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kamakailan ay hinain ni senador Jinggoy Estrada ang panukalang ipagpaliban ang halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakda sa Disyembre 5, 2022.

Batay sa Senate Bill No. 453, naging panukala ni Estrada, na itakda na lamang ang 2022 barangay at SK elections sa malayong Disyembre 4, 2023.

Ipinaliwanag ng nagbalik na senador na bagama’t matagumpay ang katatapos na pambansang halalan, nagkaroon naman umano ito ng “much divisiveness among the Filipino electorate.”

Iisa naman ang konsiderasyon sa panukalang ipagpaliban ang halalan na maaring gamitin ng pamahalaan ang tinatayang walong bilyong piso na gagastusin sa halalan para mapondohan ang iba’t iba pang mga proyekto ng bagong administrasyon ng Pangulong Marcos, partikular na sa mga “economic program and health services.”

Kabilang na rito ang pandemic response na lubhang nakaapekto sa ating ekonomiya ng bansa, dagdag ni Estrada, kaya nararapat lamang na gamitin ang pondo sa halalang pambarangay sa mga programang pang-ekonomiya at health services para mabawasan ang bigat na dinanas ng mamamayang Pilipino.

Sa ganang amin, may aspeto sa pagpapaliban ng eleksyon ng barangay ang hindi nakikita o napapansin ng magiting na anak ng nahatulang mandarambong na dating pangulo at kamakailan lang ay alkalde ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ito ang dahilan kung bakit salungat kami sa panukala ng nakababatang Estrada.

Halimbawa na ang situwasyon namin dito sa Barangay 33 Zone 3 sa Maypajo, Caloocan City. Kami po ay senior citizen at simula nang mapasama po tayo sa nakatatanda ay hindi kami nakatanggap ng anumang tulong mula sa aming barangay. Anim na taon nap o ang lumipas at hanggang ngayon ay kahit singkong duling ay hindi tayo napagkalooban ng anumang ayuda o benepisyo kaya mainam na mapalitan na ang pamun uan n gaming barangay dahil kung magtatagal pa sila ay lalo lang na mababalam ang anumang ayuda na aming nararapat na matanggap—kung hindi ay anon a po ang mangyayayri sa amin na umaabot sa mahigit 300 indibiduwal, na sa ngayon ay tanging mga dikit lamang at kapamilya ng aming punong barangay ang nabibigyan ng mga benepisyo.

Hindi nga ba’t may kasabihan tayong “aanhin ang damo kung patay na ang kabayo?”

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Patay na ang Kabayo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Patay na ang Kabayo Patay na ang Kabayo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.