Facebook

Pagrepaso sa K-12 program, oks kay Bong Go

Pabor si Senador Christopher “Bong” Go sa panukalang repasuhin ang kasalukuyang K–12 program na ipinatutupad ng Department of Education bagama’t aminado siyang mayroon itong mga benepisyo at kakulangan.

“I welcome any review sa existing K-12 program. Tingnan natin nang mabuti. Alam n’yo, marami ang disadvantages, mayroon ding advantages itong K-12 lalo na ngayon, nagbago na ang takbo dahil sa pandemya,” sabi ni Go sa panayam matapos siyang mamahagi ng ayuda sa indigent residents sa Davao City kamakailan.

Sinabi ng senador na dapat umangkop ang bansa sa bagong normal at dapat na kayang tugunan ng sistema ng edukasyon ang hinihingi ng post-pandemic global economy.

“Ibig kong sabihin, makibagay lang tayo sa bagong sistema sa ating edukasyon, sa makabagong panahon sa new normal,” aniya.

“Tingnan nang mabuti, i-review natin nang maayos kung makatutulong pa rin itong K-12 lalo na ngayong dalawang taon po medyo na-behind (ang mga estudyante),” anang senador.

Kamakailan ay nagbigay na ng tagubilin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na suriin ang programa, ayon kay Bise Presidente at kalihim ng DepEd na si Sara Duterte.

Ang Commission on Higher Education ay dati ring nagpahayag na ito ay interesado sa pagrepaso sa pagiging epektibo ng programa sa pagsasabing ang data ay magagamit na para sa pagsusuri.

Si Go ay matagal nang nagsusulong para sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa. Katuwang siya sa pag-akda ng panukalang batas na naging Republic Act 11510 na nag-institutionalize sa Alternative Learning System na nagpapahusay sa paghahatid ng batayang edukasyon sa mga kulang sa serbisyo at disadvantaged.

Sa kanyang pagbisita sa mga komunidad na nasa krisis, namamahagi din si Go ng mga tablet sa mga mag-aaral upang matulungan sila sa blended learning program na ipinatupad sa mga paaralan.

The post Pagrepaso sa K-12 program, oks kay Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagrepaso sa K-12 program, oks kay Bong Go Pagrepaso sa K-12 program, oks kay Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.