SINABI ng OCTA Research Group na patuloy pang tumataas ang COVID-19 daily positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Biyernes ng gabi, nabatid na tumaas pa sa 16% ang daily COVID-19 positivity rate sa rehiyon noong Hulyo 21, 2022, mula sa dating 14.6% positivity rate lamang noong Hulyo 20 at 14% naman noong Hulyo 15.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa pagsusuri.
Samantala, ang one-week growth rate naman ng mga bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 15% habang ang average daily attack rate (ADAR) ay nasa 6.43 per day per 100,000 na hanggang noong Hulyo 22.
Ang healthcare utilization rate (HCUR) naman sa NCR ay nasa 34% habang ang ICU occupancy rate ay nasa 26%.
“Both are still below 50%,” ani David.
Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 3,389 bagong kaso ng COVID-19 noong Biyernes. (ANDI GARCIA)
The post Positivity rate ng COVID-19 sa NCR, pumalo pa sa 16% appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: