Ni WALLY PERALTA
SI Cristine Reyes ay nabigyan ng chance na gumanap bilang young Sen. Imee Marcos sa
pinag-uusapang pelikula ngayon na “Maid in Malacanang” na ipalalabas na sa darating na August 3 worldwide.
Kasama rin sa pelikula sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, at Robin Padilla. Sa direksyon ni Darryl Yap.
Inamin ni Cristine na sobrang kaba ang kanyang naramdaman nang malaman niya na siya pala ang napiling maging young Sen. Imee. Kaya pinakuha agad niya ang script. Para mas lalong maging natural ang kanyang akting ay personal niyang pinagmasdan ang bawat kilos at pananalita ng senadora nang mabigyan ng chance si Cristine na makasalamuha si Sen. Imee.
At ito naman ang naging komento ng senadora sa ‘panggagaya’ sa kanya ni Cristine nang mapananood niya ang finished product ng “Maid in Malacanang”.
”Naiinis nga ako rito kay Cristine ang galing manggaya. Ang creepy na nga ng dating dahil pati ‘yung pangit na paglalakad ko gayang-gaya niya,” komento ni Sen. Imee Marcos.
***
KUNG sa “Bolera” ay nakaramdam ng excitement si Kylie Padilla sa kanyang role bilang isang babaeng player ng billar, sa bago niyang character na first time na pagtatambal nila ng Kapuso hunk actor na si Gerald Anderson, sa “The Unravel”.
Sa first shooting day palang niya na tila sa isang airport ang venue ay nag-post si Kylie ng kanyang nararamdaman sa bagong pelikulang ginagawa.
”One thing I can say without saying too much is this character scared me but this story already holds a special place in my heart. See you soon Lucy. #Unravel,” say ni Kylie.
Maraming followers ni Kylie ang nagkokomento na malamang ay naninibago lang daw ang kanilang idolo sa shooting ng kanyang movie, since almost 5 years din siyang hindi nakagawa ng movie. Ang huling pelikulang ginawa ni Kylie ay ang trilogy na ‘Triptiko’ last 2017
.Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Kylie sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng chance na umarte ulit via the sport serye ‘Bolera’ at nabalik ang confidence niya sa sarili bilang isang aktres.
”I had a sense of pride in my work. I’m just so grateful and full of gratitude that I came b ack and GMA gave me another chance and they trusted me again,” dagdag na say pa ni Kylie.
The post Sen. Imee nainis kay Cristine; Kylie ibinalik ng GMA ang kumpiyansa sa sarili appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: