Facebook

SOC MED GROUP TUTULONG KAY PBBM UPANG SUGPUIN ANG GRAFT AND CORRUPTION

Nagpahayag ng suporta kay Pangulong Ferdinand  ‘Bongbong’ Marcos ang grupo ng social media practitioners upang labanan ang talamak na problema ng  graft and corruption sa pamahalaan.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Incorporated (KSMBPI), chairman Dr. Michael Raymond Aragon na handa silang tulungan ang Pangulong Marcos na sugpuin ang katiwalian sa bansa.

Bilang tugon sa  pahayag ni Senator Risa Hontiveros, sinabi ni Aragon na bukas ang kanilang samahan na tulungan si Marcos solusyunan ang malawakang katiwalian sa ilang tanggapan ng gobyerno.

Giit ni Aragon, malaki ang naitutulong  ng mass media na  upang ibulgar ang katiwalian at  mapanagot ang may sala.

Hindi maikakaila na malaking tulong ang social media kaya plano din nilang kumuha at magsanay ng mga mamamahayag sa barangay level  na magsisilbing watchdog.

“If the corrupt can pay off the influence of a few surely they can not afford to buy out millions of the social media citizenry watching over and protecting our national treasury versus corruption”, ani Aragon.

Ipinaliwanag naman ni KSMBPI president at veteran radio reporter Andy Vital  na nabuo ang organisasyon noong 2017 upang labanan ang fake news at ituro ang tamang paraan ng pagbabalita.

The post SOC MED GROUP TUTULONG KAY PBBM UPANG SUGPUIN ANG GRAFT AND CORRUPTION appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SOC MED GROUP TUTULONG KAY PBBM UPANG SUGPUIN ANG GRAFT AND CORRUPTION SOC MED GROUP TUTULONG KAY PBBM UPANG SUGPUIN ANG GRAFT AND CORRUPTION Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.