Facebook

2 Nigerian nationals at 1 Pinay tiklo sa online scam sa Laguna

Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna — TIMBOG ang dalawang Nigerian Nationals at ang kasabwat ng mga ito na isang Filipina na nagtangkang magnakaw ng pera sa banko ng kanilang biktimang isang Indian Nationals sa pamamagitan ng online hacking o scam sa isinagawang magkahiwalay na entrapment operation ng mga tauhan ng San Pedro City Police Station, Cavite Provincial Intelligence Unit at ng Regional Anti- Cybercrime Unit 4A, bandang 2:00 ng hapon nuon araw ng Miyerkules sa loob ng China Bank San Pedro Citxm Branch Barangay Nueva ng nabanggit na bayan.

Kinilala ang mga suspek na sina 1. Samuel Nomso Esomchi, 42, Taye John Bamidele, 40, parehong mga Nigerian Nationals at residente sa Imus City, Cavite at si 3. Gladys Franciso, 47, residente ng Brgy. Maduya, Carmona Cavite, habang kinilala naman ang kanilang biktlma na si Surjan Singh Katahait, 45, isang negosyanteng indian nationals, residente ng Aleya St., Aleya Residence sa Bacoor City, Cavite.

Base sa report na ipinadala ni San Pedro City Police Station Officer in Charge PLtCol. Victor Ben Isidore Aclan sa Camp Vicente Lim Police Regional Office, tinangkang magwithdraw ng halagang Four Hundred Thousand Pesos (P400,000.) ng suspek na si Francisco sa naturang banko sa San Pedro na agad naman ibineripika ng Bank Manager na si Ms Ma. Victoria Marquez sa China Bank sa Carmona para sa gagawin na inter-branch withdrawal subalit nagbigay ng babala ang China Bank sa Bonifacio Global City sa Taguig City, na ang nasabing gagawing transaksyon ay nahacked at posibleng isang fraud kaya’t agad nakipagcoordinate ang manager ng banko sa istasyon ng pulisya at inaresto si Francisco.

Nadakip naman sa follow up operation sa Petron San Pedro si Esomchi habang arestado naman sa Robinson’s Galleria si Bamidelle at nasamsam sa mga suspek ang halagang One Million and Four Hundred Thousand Pesos (P1,400,000.) galing sa iba pang mga banko.

Mahaharap sa kasong paglabag sa violation of Republic Act 10175, Sec 4 (b) known as the “Cybercrime Prevention Act of 2012, ” Computer Related Fraud/Article 315 (Swindling/Estafa) of Revised Penal Code in Relation to Sec 6 of RA 10175 sa City Prosecutors Office ng San Pedro City ang mga nakakulong ng suspek. (KOI LAURA)

The post 2 Nigerian nationals at 1 Pinay tiklo sa online scam sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 Nigerian nationals at 1 Pinay tiklo sa online scam sa Laguna 2 Nigerian nationals at 1 Pinay tiklo sa online scam sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Agosto 10, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.