TAMA po, hindi lamang isa kundi dalawang beses na magkasunod na araw nangyari ang hindi inaasahang pagsingaw ng gulong ng dalawang sasakyan pag-aari ng dalawang kapatid natin sa hanap-buhay sa parking area para sa mga reporters na naka-beat sa House of Representatives.
Nadiskubre ang unang pangyayari nito lamang Agosto 2 ng hapon. Pagdating ng may-ari sa parking area, nakita niyang nakadapa ang kaliwa ng harapang gulong ng kanyang sasakyan. Kahit tubeless ang gulong ng sasakyan, inisip niyang butas at sumingaw ang gulong.
Pero laging handa sa anumang emergency, may baon itong pambomba ng gulong at nang mahanginan ang gulong dali-daling syang nagpunta sa vulcanizing shop na nasa labas lamang ng Kamara.
Napakamot sa ulo ang tauhan ng vulcanizing shop dahil mistulang nagtago ang butas dahil wala siyang nakitang singaw sa gulong.
“Pinasingaw ito boss. Wala naman akong nakitang butas,” sabi ng taong gumagawa sa vulcanizing shop.
Hindi pa rin naniwala ang reporter sa sinabi ng tao sa vulcanizing shop.
Sino nga ba ang gagawa na pasingawin ang gulong ng kanyang sasakyan?
Ano kaya ang misteryo bumabalot sa parking area ng mga press people? O baka naman nagkataon lang.
Pero hindi! Kinabukasan, Agosto 3, isa na namang sasakyan ng mamamahayag ang na-flat-an. Nagkataon lang ba ulit? Hindi natin alam.
Sa kwentuhan ng mga kasamahan sa Media Center kung sinasadya ba ang pagpapasingaw ng gulong ng mga mamamahayag na nagko-kober sa Kamara?
May mga nag-iisip na baka raw inaasar lang ang mga mamamahayag lalo at sila ay magba-barkada. O baka naman ginagamit lang ang mga mamamahayag para maipakita na walang silbi ang dibisyon ng Kamara na dapat umaasikaso sa kanila. Maari rin baka ang bagong pamunuan ng Kamara ang hinahamak ng nagpapasingaw ng gulong. Kauupo lang kasi sa posisyon ng Sec.Gen at ang Sgt-At-Arms. ‘Wag naman.
Alas 6:00 ng gabi, off duty na ang blue guard kaya dapat lagyan ng CCTV ang lahat ng parking areas. Onga, bakit nga ba walang CCTV sa bahaging iyon ng Kamara?
Magkano lang ba ang presyo ng isang CCTV kompara P100 milyong piso na ginastos sa pagkokompuni ng ilang bahagi ng gusali?
Dahil dito, humihingi ng “hustisya” ang miyembro ng House accredited media na magsagawa ng imbestigasyon ang tanggapan ng Office of the Sgt.-at-Arms upang panagutin ang suspek na kinilala lamang sa bansag na alyas Boy Butas.
Basahin nyo ‘to!
SPEAKER Martin Romualdez said public officials should not shun the media as it is a partner in nation-building.
“From day one in government, I have considered the Philippine media not as an adversary but a partner in nation-building,” he told officers of the United Print and Multimedia Group during their oath-taking at the House of Representatives in Quezon City Wednesday afternoon.
“Some say we in government should be wary of journalists as the media usually focus on the negatives rather than report the positive. They say, good news don’t make headlines. My experience with Filipino journalists debunks this myth,” Romualdez said.
“Quite a number of journalists I have met are decent people and are responsible members of the profession. They report what they think are the burning issues of the day that deserve public attention,” he said.
Romualdez cited media practitioners covering the House of Representatives who, he said, “religiously report to the public the legislative measures being acted upon from the committee level to the plenary.”
“They are nosy, yes, but they are just doing their job. And they are helping us do our job, too. With their help, we galvanize popular support for measures that are needed to uplift the living condition of our people,” he said. The Speaker revealed that he had been at the receiving end of negative media reports.
“Rather than being offended, I take them as an opportunity to explain my side to the public and expound on the issues involved. Media reports – be it positive or negative – give us, government officials, relevant and timely feedback from the public with regard to our official acts. They also provide us with a platform on issues that need discussed with a bigger public,” he stressed.
***
No contact apprehension policy, iimbestigahan ng Kamara
BAGAMAT disiplina para sa mga motorista ang pangunahing intensyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP), magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara de Representantes sa umano’y malpractice sa implementasyon nito matapos makatanggap ng mga ulat at reklamo mula sa mga motorista partikular na ang motorbike drivers delivery services, na pinagmumulta ng malaking halaga “without due process of law”.
Ang sabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee Dangerous Drugs, marapat lamang na maging malinaw sa publiko kaugnay sa mga detalye sa implementasyon ng NCAP upang mahinto ang pang-aabuso ng mga nagpapatupad nito.
Sa ilalim ng NCAP system, mag-iisyu ng notices/citation ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Local Government Units (LGUs) at direktang ipadadala ito sa vehicles registered owners.
Ang Non-payment of dues/fines sa loob ng pitong araw hindi makapagre-rehistro ng kanyang sasakyan ang lumabag dito.
Suportado ni Barbers ang intensyon ng NCAP subalit kailangan aniyang baguhin ang traffic management system. Hindi aniya maglalaon ang ilang LGUs sa National Capital Region ay mag-aadopt na rin sa sistema ng NCAP.
The post Not once but twice appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: