Facebook

ARNOLD CLAVIO KINUYOG, ISYU KAY SARAH BALABAGAN BINUHAY NG NETIZENS

GALIT ang mga netizens ngayon sa broadcaster na si Arnold Clavio dahil sa hayagang pambabatikos nito sa pelikulang Maid in Malacanang na umano’y mali-mali ang mga ibinigay na impormasyon para guluhin ang tunay na istorya ng kasaysayan.

Si Igan, palayaw ng Clavio, ay naglabas din ng maaanghang na salita laban sa director na si Daryl Yap na lalo namang ikinagalit ng netizens.

“Ang linis-linis ni Media Arnold Clavio sa mata ng mga Pinoy. Si Sara Balabagan, 17 years old pa lang nabuntis ni Arnold Clavio. Ito ang kasaysayan na dapat gawing pelikula,” ani Aldo Nicdao sa kanyang FB page.

“Kung aanggulo ka Mr. Clavio, siguraduhin mong wala kang bad history, nabalikan ka tuloy, huwag kasing umepal,” sabi naman ni netizen Gloria Villanueva Mawii.

“The Untold Story of Sarah Balabagan love affair part 2. Directed by Joel Lamangan,” sabi ni Albert Jun Casas.

“Ah magandang balita mga ka-BBM may pang-tapat nang pelikula si Lamangan kay Daryl Yap history din tungkol sa Buhay ni Arn Arn at Sarah ang pamagat, ‘Bantay-Salakay.’

“Arnold Clavio, patunayan mong mali ang paratang sayo,” sabi naman ni Nick Parac.

Para kay Duls Mabini Tambac na nagkomento rin sa kanyang FB account, walang karapatan si Clavio na magkomento tungkol sa kasaysayan dahil: “ Mas lalong garapal . Me gana pang mangtuligsa eh siya pala naman ang may history ng kababuyan.”

Isang Nash Monasterio naman ang nag-post sa kanyang FB account at nagsabing: “Ang akala mo sinong matino at malinis. Sino ba ang bumuntis kay Sara Balabagan noong 1996? Hindi ba sa halip na tulungan ang batang si Balabagan noong panahong iyon ay binuntis mo? Ang masaklap, minor age nang buntisin mo sa gitna ng ‘rape experience’ na inabot sa Middle East, tinakbuhan mo pa at hindi mo pinanindigan ang bata. Sino ngayon ang malinis, ha Mr. Clavio?”

Ayon naman sa isa pang netizens na si Franz Gregorio Esteban, walang karapatan ang isang ‘fake news peddler’ dahil kasingbaho ng mga patay nitong kuko ang kanyang nakaraan.

“Sabagay, kung paninindigan ang pag-uusapan, wala kahit isa nito si Igan Arnold Clavio. Mismong si Sara Balabagan na ang nagsabi na pinabayaan sila ni Clavio. Mula nang mabuntis, hindi ito nanindigan para bigyan ng pangalan ang bata. Mabuti pa si Ambassador Roy Seneres na sumalo sa ginawang kamanyakan ni Igan dahil kahit siya ang pinagbibintangang nakabuntis kay Balabagan, at least kahit papano ay tumulong ito para itago ang 17-years old noong si Sara,” sabi ni Isabela Flores sa kanyang FB account.

Kung matatandaan, July 1994 nang mapatay ni Balabagan ang employer na si Almas Mohammed Al-Baloushi nang tangkain siyang gahasain nito. Nanunuluyan noon bilang domestic helper si Sara Balabagan sa United Arab Emirates at 34 na saksak ang ibinigay nito sa among Arabo.

Ang edad ni Sara noong panahong iyon ay 14-taong gulang lamang.

Sumaklolo ang pamahalaan ng Pilipinas para mapigil ang hatol na kamatayan kay Balabagan. October 1995 nang ibaba ang hatol sa isang taong pagkabilanggo at 100 latigo sa katawan, gayundin ang pagbibigay ng blood money na sinagot ng isang businessman.

August 1, 1996 nang bumalik sa Pilipinas si Balabagan at bilang tv reporter, isa si Clavio sa mga mamamahayag na nag-cover sa kanya hanggang sa regular na itong nakipag-kita.

August 21, 2020 naman nang lumabas sa kanyang live stream FB Page si Balabagan at sinabing ang broadcaster na si Clavio ang nakabuntis sa kanya.

Ang kanilang date ay nagsimula sa pamamasyal sa magagandang lugar sa Maynila hanggang sa siya’y mabuntis nito.

Ipinaliwanag ni Balabagan na nagpasya siyang magsalita matapos ang 22 taon para maging malinaw na ang lahat. Ang anak nila ngayon ni Igan ay 21-taong na.

Nagagalit naman ang mga die hard PBBM supporters kay Clavio dahil kung sila ang tatanungin, wala itong karapatan para magmalinis dahil ito mismo ay may itinatagong dumi sa katawan.

Si PBBM ay nanalo nitong nakalipas na halalan mula sa mahigit 31 milyong boto na nakuha nito sa mamamayang Pilipino.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036

The post ARNOLD CLAVIO KINUYOG, ISYU KAY SARAH BALABAGAN BINUHAY NG NETIZENS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ARNOLD CLAVIO KINUYOG, ISYU KAY SARAH BALABAGAN BINUHAY NG NETIZENS ARNOLD CLAVIO KINUYOG, ISYU KAY SARAH BALABAGAN BINUHAY NG NETIZENS Reviewed by misfitgympal on Agosto 10, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.