Facebook

SAKLA AT DROGA, ISINISI KINA SANDOVAL AT MALAPITAN!

KAHIT saan mang anggulo tingnan, walang maniniwala na hindi alam kapwa ng luklok na Malabon Mayor Jeanie Sandoval at Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan sa inirereklamong talamak na operasyon ng iligal na sugal na sakla sa kanilang lungsod.

Bukod sa iligal na sugal na sakla ay lantaran din ang operasyon ng EZ2 at loteng, gamit na front ng illegal gambling operation ay ang lehitimong operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO sa Lungsod ng Malabon.) Saan man nag-ooperate ang mga pasugalan sa nabanggit na mga syudad ay doon din palasak ang bentahan ng shabu.

Bilang INA ng lungsod na nabigyan ng pagkakataong magsilbi sa mga Malabonian, kay Mayora Sandoval nakatatak ang bawat kapalpakang mangyayari, tulad ng biglang pagsulpot ng sakla den sa ibat ibang sulok ng 21 barangay ng Malabon.

Hindi naman siguro bobo si Mayora para di maintindihan na ang sakla ay ipinagbabawal, labag sa batas at ito ay kinalolokohang sugal ng mga drug addict na mga taga-squatter sa Malabon City.

Legal lamang ang sugal kung saklaw o pinapatakbo ng PCSO o kaya’y PAGCOR. Dahil ang sakla ay iligal na sugal, baka ibig sabihin niyan ay may nabuong kutsabahan, sikretong usapan sa kampo nina Mayora Sandoval at grupo ng mga iligalistang sina Mario Bokbok, Boy Maryjane at Ian na siyang itinuturong financier, di lamang ng sakla kundi loteng at EZ2 sa lungsod ng Malabon?

Sa salita namang kanto, bilang siyang kinikilalang AMA ng Lungsod ng Caloocan ay magmumukhang “ tolongges” si Mayor Along, kung di pa nito alam ang lantarang operasyon ng saklaan ni Lucy na sinasabayan pa ng pagpapabenta nito ng shabu sa halos lahat na sulok ng Caloocan..

Imposible ring makaligtas sa pang-amoy ni Mayor Along Malapitan na may 100 namang sakla joints ang naipalatag na sa siyudad ng Caloocan ng financier na si Lucy, ang kinikilalang “Sakla at Drug Queen” di lamang sa Caloocan City kundi maging sa buong Metro-Manila.

Saan man nakalatag ang mga sakla table ni Lucy ay naroroon din ang malaking hukbo ng mga drug pusher. Si Lucy ang namumuhunan sa pag-angkat ng shabu gamit ang salaping nalilikom mula sa sakla operation at ipinabebenta naman sa mga street drug pusher sa kanyang mga saklaan. Suki si Lucy ng mga drug smuggler na nakabase sa Bureau of Customs (BOC) sa Maynila.

Halos lahat na may pangalang police at local government units (LGUs) ay kayang-kayang suhulan ni Lucy ng milyones nitong kinikita mula sa operasyon ng sakla at pagbebenta ng droga sa Caloocan City at mga kanugnog nitong siyudad.

Imposible din naman yata na walang alam ang dalawang butihing punong lungsod (Mayora Sandoval at Mayor Malapitan) sa pagkapagbukas at matinding sakla operation sa kanilang siyudad dahil nagkalat at lantaran ang mga kinalalagyan ng sakla tables, kahit na sa mga kalsada ng maraming lugar sa mga barangay.

Kung tunay na di pa alam nina Mayora Sandoval at Mayor Along ang laganap na sakla sa Malabon at Caloocan aba eh bakit pa sila naturingang alkalde?

Nagsisisi tuloy ang mga Malabonian at taga-Caloocan City, kung bakit naiboto pa nila si Mayora Sandoval at Mayor Along kung ganito ding lalo pang naging grabe at lantaran ang operasyon ng saklaan sa Malabon at Caloocan.

Sa panig ng taga-Caloocan City ay nakita nila ang malaking pagkakaiba ng amang ex-Mayor Oca Malapitan kesa anak nitong si Mayor Along sa pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan.

Si ex-Mayor Oca na ngayon ang Caloocan City2nd District Representative ay kilalang action man. Anuman ang reklamo na idinudulog dito ng kanyang mga constituent ay agad nitong inaaksyunan.

Kaya mistulang maliit na anino lamang sa likod ni Ex-Mayor Oca ang kanyang anak, kung ikukumpara ang kanilang kasipagan, katapatan sa pagtupad ng tungkulin bilang public servant.

Sa kabila ng dumadagsang reklamo sa tanggapan ni Mayor Along at sa opisina ni Caloocan City Police Chief, Col. Samuel Mina Jr., laban sa sakla operation ni Lucy sa may 100 sa looban ng 188 barangay sa Lungsod ng Caloocan ay di ng mga ito napaaksyunan ang sakit ng ulo ng mga mamamayan na saklaan.

Paniniwala ng ating mga KASIKRETA, tama lamang na sibakin na bilang hepe ng pulisya ng Caloocan City si Col. Mina Jr., at Malabon City Police Chief, Col. Albert ng kauupong National Capital Region Office (NCRPO) Director,PBG Jonnel Estomo.

Pagkaupo ni Mayor Along noong July 1, 2022 bilang alkalde ng Caloocan, ay kasabay ding nagbukas doon ng mga saklaan si Lucy sa tulong ng kanyang katiwalang si Marlyn at Oyie na nagpapakilalang bagyo sa lakas kay Mayor Along.

Si Marlyn ay bag woman at tagapaghatid ng payola, suhol, lagay o intelhencia sa ilang mga tanggapan ng Caloocan City Police Office, Northern Police District (NPD), National Capital Region Police Office (NCRPO), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Samantalang si Oyie na kung tagurian naman ay “Little Mayor ng Caloocan” ang nagbigay ng go-signal kay Lucy para mag-umpisa ng kanilang pasakla simula noon pang July 1. Lihim naman na kinaiinisan ito ng maraming empleyado ng city hall pagkat talo pa raw ni Oyie kung umasta si Mayor Along.

Malakas na panghatak nina Lucy sa kanilang saklaan ang shabu na ipinabebenta sa kanilang mga empleyado sa sandaling malakas na ang tayaan sa sakla sa mga squatters’ area na barangay tulad ng Dagat-Dagatan at Bagong Barrio.

Sa dahilang nais ng inyong lingkod na makatulong sa bagong kauupong National Capital Region Office Director, PBG Estomo ay iisa-isahin natin ang mga puwestuhan ng sakla nina Mario Bokbok, alias Boy Maryjane at Ian sa siyudad ng Malabon at Lucy ng Caloocan City sa mga susunod nating pitak.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.

The post SAKLA AT DROGA, ISINISI KINA SANDOVAL AT MALAPITAN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SAKLA AT DROGA, ISINISI KINA SANDOVAL AT MALAPITAN! SAKLA AT DROGA, ISINISI KINA SANDOVAL AT MALAPITAN! Reviewed by misfitgympal on Agosto 10, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.