Facebook

2 tulak bulagta sa buy bust!

TODAS ang dalawang drug suspects nang manlaban sa buybust operation sa Akbar, Basilan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Macsud Cuevas, 45 anyos, ng Barangay Bohelebong, Tipo Tipo; at Dasman Kilala, ng Bubuan Island, Tabuan Lasa.

Ayon kay Colonel Pedro Martinez Jr, Basilan Police Director, 12:30 ng tanghali nang magsagawa ng buy bust operation sa Barangay Semut, Akbar.

Nakuha ng mga otoridad sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkahalaga ng P140,000.00, caliber .45 pistol, cellular phone at buy bust money.

Dinala ang labi ng mga suspek sa Basilan Provincial Forensic Unit at mga narekober na ebidensiya para sa pagsusuri.(Mark Obleada)

The post 2 tulak bulagta sa buy bust! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 tulak bulagta sa buy bust! 2 tulak bulagta sa buy bust! Reviewed by misfitgympal on Agosto 25, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.