Facebook

AiAi sa Tate na nakabase, may nahanap na agad trabaho

Ni WALLY PERALTA

HINDI rin naman labis na mag-aalala ang mga followers ni AiAi delas Alas sa naging desisyon nila ng mister na si Gerald Sibayan na tuluyan na ngang mag-settle down sa San Francisco, California, USA dahil sa bago bumalik ng States si AiAi para samahan ang mister ay pumirma ulit siya ng kontrata sa GMA7.
Meaning babalik-balik siya sa Pinas pag may bago siyang project na gagawin.
Ang pagtira na ng tuluyan sa States ay isang desisyon na naisip nilang mag-asawa na tamang gawin kahit pa nasa rurok pa rin ng kasikatan si AiAi sa kanyang showbiz career sa bansa. Una ay para makabuo na rin sila ng sariling baby kahit thru artificial means at para na rin mabigyan ng green card si Gerald.
Sa States ay namasukan siya bilang activity director sa isang facility for the elderly.
“Activity director ikaw yung magpapaganda ng buhay ng mga residente sa mga facility, yung kanilang way of life, yung mga activities na ibibigay mo sa kanila will make them happy,” pahayag ni AiAi.
Sa ngayon ang offer na tinanggap pa lang ni AiAi pagkatapos niyang pumirma sa kontrata ay para sa live concert ng GMA Pinoy TV sa September 24 at 25 sa California na makakasama niya sina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz.
***
PARA sa isa sa bombshell ng Vivamax na si Rob Guinto, isang malaking blessings sa kanya ang pagpasok niya bilang isang daring sexy star mula sa pagiging commercial/fashion model.
Hindi na nga kasi siya nawalan ng project from day one na sumabak siya sa sexy image.
Naging bida agad si Rob sa “Ex-Deal” as a model who shares her boyfriend with another model at sa “Virgin Forest” as the victim of a prostitution ring who runs away in the jungle totally naked.
Ngayon ay 2 agad ang tapos na niyang movie na ginawa, ang “Memories of a Love Story” at ang “Bula” kasama si Ayanna Misola at Gab Lagman at magsisimula nang i-stream this coming September 2 sa lahat ng Vivamax Apps at sa direksyon ni Bobby Bonifacio.
“No, they can say anything they want, but I’m just thankful to Viva for giving me a second chance. Kasi the first time dinala ako sa kanila, hindi pa ako ready to go sexy, so tumanggi ako.
I’m more of a model kasi. But during the pandemic, nawala lahat ng events that need models. So nawalan din ako ng income,” pahayag ni Rob.
Inamin din ni Rob na siya ang breadwinner sa kanilang pamilya kaya hindi na siya naging choosy sa pagtanggap ng project.
“Maraming umaasa sa akin. So nang bigyan ako ng Viva ng another chance, malaki ang naging tulong noon sa akin at sa family ko.
“Kaya pag may project na ibinibigay sila sa akin, alangan namang mag-inarte pa ako,” say pa rin ni Rob.
Sa movie na “Bula”, ginampanan ni Rob ang pagiging asawa ni Gab at madalas silang magpunta sa laundry shop na pinagtratrabahuan naman ni Ayanna. Sa dalas ng pagkikita ng tatlo ay nabuo ang isang bizarre love triangle.

The post AiAi sa Tate na nakabase, may nahanap na agad trabaho appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AiAi sa Tate na nakabase, may nahanap na agad trabaho AiAi sa Tate na nakabase, may nahanap na agad trabaho Reviewed by misfitgympal on Agosto 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.