Facebook

MAHINANG PAMUNUAN

TUMAKBO na ang mga araw ni Boy Pektus sa puno ng Balite ng MalacaƱang at masasabing wala pang naipakitang maganda-maganda sa bansa at tila isang miron na nanood sa mga kaganapan sa halip na umaaksyon. Mukhang hindi sanay sa pagresolba ng mga problema na kinakaharap ng Pinoy lalo ang kabuhayan. Parang isang salagubang tamad na kahit anong ugoy ay ayaw lumipad at mas ibig ang matulog. O kung isang mag-aaral, mas madalas na makita sa bilyaran sa halip na sa paaralan. Ngunit o tila bwenas at napisil ng marami na ito ang ibig maging lider ng bansa. At sa paglakad ng mga araw, lumabas ang pagiging nobato sa laban at umaasa sa mga tauhan sa halip na rumenda sa kaganapan.
Sa totoo lang, nabanggit na ang landasin ng pamahalaan subalit ‘di madireksyonan kung paano isasagawa ang ibig. Sa kasalukuyan, bilad ang programa sa pagbibigay ng ayuda ngunit hindi nasasawata ang lahat ng uri ng pagtaas ng ano mang bilihin. Hindi makita ang kamay ng namamahala kung paano maiibsan ng pamahalaan ang usapin sa baba. O’ isang zarzuela ang pagpapatupad sa batas ng gobyernong pinamumunuan lalo sa mga raid na isinasagawa sa mga iligal na pagtatago ng mga panindang kailangan ni Mang Juan upang masabi ng bayan na nasa tamang direksyon si Boy Pektus at may pagmamahal sa mamamayan.
Sa pagtatasa ng pagganap ni Boy Pektus sa upuan na may langgam, tila may kahinaan ito o sadyang may kabaitan. Magkasalungat ang pagtatasa dahil hindi nito maipakita kung paano kumilos ang isang puno sa mga nasasakupan. Sa totoo, lang hindi paborable ang ginawa nitong pagpapabaya sa kongreso na gawin ang pag-iimbestiga sa kaganapan sa nasasakupang kagawaran. Hindi ipinakita na maaari ng malaman maayos ang usapin sa hanay nito at mapakita ang tamang kilos sa mga nasasakupan. Hayun, nakakuha ng pagkakataon ang mga pinasahan ng imbestigasyon na magpapogi sa ngalan ng mga alipores sa DA at SRA. Sa katunayan, hindi kailangan ang kabilang sangay ng pamahalaan na siyang bumulatlat sa usapin dahil ‘di na kailangan ng isang bagong batas para usurpation.

O’ sadyang hindi alam ang dapat gawin kung paano mapapalabas na kung saan o sino ang may sala. O’ sadyang may usapan si Boy Pektus at ang mga alipores sa kongreso sa kung paano patatakbuhin ang imbestigasyon sa isyu.. Subalit sa takbo ng kaganapan, mas luminaw na mahina ang kalidad ng liderato ng kalihim sa kawalan ng kaalaman ng pagtugon sa usapin.

Sa kabilang banda ng usapin, maayos ang regla ng imbestigasyon, naging laman ito ng media at naipalabas ang ibig, na walang kinalaman si Boy Pektus sa kautusan. At hindi pa man dulo ng imbestigasyon, kusang nagbibitiw ang No. 2, sa kagawaran. Walang pressure mula sa Balite ng MalacaƱang, sariling desisyon ni Usec. Baste’y ang pagbibitiw. Hindi nais ni Boy Pektus na makita ang bakas nito sa panggigipit kay Usec. Baste, nang hindi madiskarel ang imaheng mabait sa aga ng paninilbihan. Subalit sa kabilang banda, ang pagiging mabait nito’y tila balat kayo dahil sa kadahilanang politika. Sa takbo ng imbestigasyon, mukhang hindi na bigyan diin ang ilang kaganapan sa kagawaran na nagbibigay kay Usec. Baste ng otorisasyon na pumirma sa mga usapin sa ngalan ng kalihim. At ang hindi tanggap sa kaganapan eh ang paglabas ng kautusan na hindi nakita na ngalan ni Boy Pektus ibinandera sa media at social media na malaking kawalan kung pa-pogi points sa bayan ang usapan. At ito marahil ang dahilan ng pagbaklas kay No.2.

May kahinaan ang ipinapakitang pamumuno ng kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura dahil hindi ito maharap si Usec. Baste dahil sa may mga nauna nang kasunduan na mapanghahawakan. Ang mabuting tao’y humaharap sa katotohanan at hindi nagtatago sa anumang uri ng pananggalang. Ang tama ay tama na hindi kayang ibaluktot ng milyong kasinungalingan. Subalit ang pag-iisip ng kagalingang pansarili at pamilya ang nag-udyok kay Usec. Baste na bumigay at umako sa kamalian. Ang mga sumunod na galaw na naglayo sa usapin kay Boy Pektus ang malinaw pantakip sa kahinaan nito. Tunay na pawang pansalag sa kamalian ng kalihim ng agrikultura ang mga nagtambad sa maraming mga warehouse na nagtatago ng asukal. Dahil sa dulo ng imbestigasyon, pawang mga lehitimo at may kaukulang papeles ang mga pinasok na bodega at palabas lamang ang lahat ng naganap.

Sa kaganapang ito, walang duda ang kahinaan ni Boy Pektus at ang sakripisyo ni Usec. Baste ay patunay na karunungan nitong bumasa ng sitwasyon. At sa kabilang banda, hindi pa man sinimulan ang paglilinis ng ngalan ng lahi tila bansag na ito’y isang mahinang pinuno. Pektus o pakitang tao ang pagiging lapitin sa tao dahil sa dinadala ng social media sa pamamagitan ng trolls at hindi kakikitaan ng sinseridad.

Sa kabuuang pagtatasa sa gawi ni Boy Pektus, malaki ang kakulangan nito sa kaalaman sa mga bagay-bagay sa buhay higit sa pagpapalakad ng pamahalaan. Hindi makitaan ng maayos na diskarte lalo sa paglutas ng mga usaping makakagaan sa bayan. Kulang ang kalidad ng pamumuno at umaasa lamang sa mga alipores ang mga bagay na may kinalaman kay Mang Juan. Sa binitiwang mga nais gawin para sa bayan, walang direksyon kung paano isasagawa ngunit patuloy ang paglubog ng kabuhayan ni Mang Juan. Ang masakit tila sanay ito sa pagbibigay ng ayuda sa mga Pinoy na baon sa kahirapan at umaasa sa mga panandaliang tulong.

Maging ang pagdami ng mga street crime sa bansa’y nakababahala dahil nagaganap ito kahit sa kaagahan ng araw. Ang masakit hindi makita ni Boy Pektus ang mga ito o maging ng mga tauhan na tila nasisiyahan sa lamig ng aircon sa mga opisina. Nariyan ang opisyal nito sa kapulisan na puro balasa ang gawa ngunit krimen ang resulta.

Sa pagsusuma sa kilos ni Boy Pektus, masasabing mahina ang paggampan nito sa pwestong inaasam sa halalan. Mukhang ang pangalan lang ang malakas at hindi ang pagkatao. Malayo pa ang takbuhin subalit hingal na ito sa mga usapin na inuuna ang panonood ng palakasan ng magkaroon ng gilas ang pamamahala. Dahil dito, umaasa si Mang Juan na sa susunod na mga panahon, makita na ang pagkakaisa na may pag-unlad na kasama. Inaasahan na hindi mauunahan ng isang babaeng kita ang lakas ‘di lang sa kagawaran nito maging sa pakikitungo sa kongreso. O’ sadyang mahina at kulang sa kaalaman ang nasa puno ng Balite sa MalacaƱang.
At ang mapaikot o paikutin ng mga alagad na nais yumaman sa sandaling panahon sa pamahalaan. Habang ang mahinang pamumuno ang dahilan ng paglakas ng ambisyosang puno ng kaguruan. Umaasa na hindi magtatagal ang laban ng Uno at Dos sa larangan ng usaping bayan. Ang usaping serbisyo para bayan ang magdidikta kung magpapatuloy ang pagkakaisa o hanggang slogan lang dahil sa mahinang pamunuan…

Maraming Salamat po!!!

The post MAHINANG PAMUNUAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAHINANG PAMUNUAN MAHINANG PAMUNUAN Reviewed by misfitgympal on Agosto 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.