Facebook

IRRIGATION PROJECT NA SINIRA NG LINDOL SA ILOCOS SUR, MAPAPAKINABANGAN NA!

Kamustahin natin ang mga magsasaka sa BANTAY, ILOCOS SUR dahil tiniyak.kamakailan ni NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) REGIONAL MANAGER ENGR. GAUDENCIO DE VERA na ngayong araw (September 1, 2022) ay kumpleto na ang pagsasaayos sa nasira ng lindol na BANAOANG PUMP IRRIGATION SYSTEM (BANAOANG PIS) na nasa MUNISIPALIDAD ng BANTAY, ILOCOS SUR at mapapakinabangan na ngayon ang masaganang daloy ng tubig patungo sa mga kabukiran.

Ang pangakong ito ni REGIONAL MANAGER ENGR. DE VERA ay bunsod sa naging direktiba ni NIA ADMINISTRATOR BENNY ANTIPORDA noong personal na bumisita ito sa naturang lugar na madaliin at paghusayin ang pag-sasaayos ng mga naging sira ng BANAOANG PIS upang mapagserbisyuhan hindi lamang ng mga magsasaka kundi sa kapakanan ng buong kumunidad.

Sa ulat na tinanggap ng NIA nitong nagdaang araw ay halos kumpleto na umano ang pagkukumpuni at ngayon nga September 1 na 30-araw ang nakalipas nang siyasatin ni ADMIN. ANTIPORDA ang mga nasira dahil sa lindol ay magagamit na umano ang IRIGASYON na dadaloy na sng masaganang tubig na pangunahing pangangailangan ng mga magsasaka.

May kabuuang 2,200 magsasaka na nagbubungkal.sa.may 1,535 ektarya sa mga MUNISIPALIDAD ng BANTAY, SAN ILDEFONSO, MAGSINGAL, SAN VICENTE at STO. DOMINGO ang magbebenepisyo mula sa serbisyo ng IRRIGATION PROJECT

“They were given 45 days to finish the repair. Within 30 days, it was done already. That is how NIAns deal with emergency situations now”, pagpupunto ni ACTION MAN ADMIN. ANTIPORDA!

***

URBAN POOR SA OLD BALARA, QC POPROTEKTAHAN NG PCUP AT QCPD!

Bahagi nang pagrespeto sa HUMAN RIGHTS ay.magkatuwang na magkakaloob ng proteksiyon ang PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) at ng QUEZON CITY POLICE DISTRICT (QCPD) para sa kapakanan ng 25-pamilyang maralita sa OLD BALARA, QUEZON CITY mula sa panghaharas ng mga armadong guwardiya na itinalaga ng nag-aangkin sa lupang kinaroroonan ng mga ito.

Kamakailan ay nag-courtesy call ang kinatawan ng PCUP na COMMISSIONER FOR THE NATIONAL CAPITAL REGION kay QCPD DIRECTOR, BRIGADIER GENERAL NICOLAS TORRE III dahil sa kinakaharap na peligro ng 25-maralitang pamilya sa BARANGAY OLD BALARA

Ayon sa mga residenteng humihingi ng tulong.., ang kanilang komunidad ay pinapatrolyahan ng mga security personnel na armado ng matataas na kalibre ng baril at kamakailan lang ay may mga pagkakataong tinatakot sila ng mga ito.

Bilang tugon, nangako ang QCPD na handa ang pulisya na rumesponde at sakolohan sila sa mga kaso ng pag-aabuso at paglabag ng kanilang mga karapatan.., kabilang na ang panghihimasok sa kanilang mga tahanan o pag-abuso ng kanilang mga legal na karapatan nang walang due process.

Tiniyak ni BGEN TORRE at ng PCUP sa mga residente na sisiguraduhin nilang ang mga karapatang pantao ng mga urban poor sa kanyang nasasakupan ay hindi malalabag tulad ng nakasaad sa batas, partikular na sa ilalim ng Urban Development Housing Act (UDHA).

Mainam pa ang mga MARALITA sa QC ay nabibigyan ng importansiya.., kumpara sa dinadanas na dusa ng mga MARALITANG RESIDENTE sa PANGARAP VILLAGE, BRGY. 181, CALOOCAN CITY na ang maiimpluwensiyang ARANETA DEVELOPER na umaangkin sa lupa sa PANGARAP VILLAGE ay hinaharass at unti-unting pinapatay ang mga residente sa paraang isinasara ang mga lagusang daan ng mga residente!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post IRRIGATION PROJECT NA SINIRA NG LINDOL SA ILOCOS SUR, MAPAPAKINABANGAN NA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
IRRIGATION PROJECT NA SINIRA NG LINDOL SA ILOCOS SUR, MAPAPAKINABANGAN NA! IRRIGATION PROJECT NA SINIRA NG LINDOL SA ILOCOS SUR, MAPAPAKINABANGAN NA! Reviewed by misfitgympal on Agosto 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.