Facebook

AJ dinispley na sa madla ang flat na tiyan patunay na ‘di buntis

Ni GERRY OCAMPO

PINATULAN ni AJ Raval ang hamon ng netizens na magpakita siya nang live para malaman kung buntis nga ba siya o hindi.
Kasi ilang linggo nang usap-usapan na nagdadalantao siya sa rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.
Last Thursday, nag-live si AJ sa kanyang Instagram at nagpa-tummy reveal na. Sabi ng sexy actress nasa set siya ng latest project at naka-live siya habang inaayusan at nagbabasa ng script.
Makikita sa camera ang flat na flat niyang tummy sa suot na shorts at sando na mistulang ipinagsisigawan nga na hindi siya buntis.
Tapos ay nagbigay na nga siya ng pahayag tungkol sa isyu.
“Shout out sa inyong lahat! Huwag na kayong masyadong magpapaniwala sa mga tsismis. Saka kahit anong gawing eksplanasyon, yung mga galit lang naman maniniwala ru`n,” aniya.
Sabi pa niya, “Lagi n`yo na lang akong iniisyu saka inaaway. Ayoko na ngang mabuhay sa mundo, Joke! Lagi n`yo na lang akong ginagawan ng issue.”
Sa huli ay sinabi ni AJ na masaya siya sa buhay niya ngayon.
Matatandaan kasi nang ma+bash siya noon na pumapatol at dahilan ng paghihiwalay nina Aljur at Kylie Padilla ay sobrang apektado ang beauty ni AJ. Nandoong ayaw na niyang umalis ng bahay dahil nasa isip na kapag lumabas ay pag-uusapan at kakantiyawan lang siya ng mga tao.
Pero ngayon ay tila unti-unti na niyang natatanggap na kapag nasa showbiz ka ay hindi ka makakawala sa mga Marites.
***
‘Maid ni Malacanang’ rated PG ng MTRCB
NO cuts at rated PG ng MTRCB ang Maid in Malacanang kaya buong pamilya ang puwedeng makapanood sa controversial movie na idinirek ng controversial ding director na si Darryl Yap sa mga sinehan.
Tatakbo ng one hour and 51 minutes ang pelikula na ang original dapat na haba ay three hours.
Ngayon pa lang ay marami nang nag-aabang na mapanood ito sa mga sinehan, lalo na ng mga dilawan na hindi pa rin matanggap ang pagkapanalo at pagbabalik ng Marcos sa Malacanang.
Samantala, umaasa si Direk Darryl na maipapalabas ang mga eksena sa movie na hindi nasali dahil masyado na raw mahaba ay mailalabas sa director‘s cut sa VivaMax.
Tanong ng karamihan kay Direk Darryl kung magkakaroon daw ba ng sequel ang movie.
“Ang alam ko, trilogy ito, maghihintay ako. Napaka-supportive ng Viva at nakasalalay sa kanila ang sequel,” sagot ni direk.

The post AJ dinispley na sa madla ang flat na tiyan patunay na ‘di buntis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AJ dinispley na sa madla ang flat na tiyan patunay na ‘di buntis AJ dinispley na sa madla ang flat na tiyan patunay na ‘di buntis Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.