Ni WALLY PERALTA
MARAMING nag-akalang ‘mawawala’ na sa Kapatid Network si Billy Crawford. Ilang linggo kasi siyang nawala bilang host ng noontime show ng TV5 ang ‘Lunch Out Loud o LOL’.
Nasundan pa ito ng pagdalo ni Billy sa nakaraang Kapuso Thanksgiving Gala kasama ang misis na si Coleen Garcia. At nadagdagan pa ang tsikang pagbabalik Kapuso na ni Billy nang siya ang napiling maging host ng “The Wall” na sa Kapuso Network na mapapanood.
Nitong nakaraang araw ay laking saya ng mga follower ni Billy nang makita muli nila ang idolo na nagho-host na muli sa LOL, isang patunay na hindi iiwanan ni Billy ang kanyang noontime show sa TV 5.
Style ala-Maja Salvador daw ang diskarte ngayon ni Billy sa kanyang karir, na kahit isang Dabarkads na si Maja ng “Eat
Bulaga” ay tuluy-tuloy pa rin ang serye niya at iba pang show sa TV 5.
Isang assurance rin daw mula kay Billy ang muling pag-apir sa LOL dahil sa muli na naman siyang mawawala sa naturang noontime show.
By this time ay para maging isang contestant sa sikat na international dance contest na French version na ‘Dancing with the Stars’. Sa ngayon palang ay todo praktis na si Billy bago lumipad patungo sa Paris para sa naturang reality dance show.
“Actually, mas kabado akong maging isang contestant kaysa maging judge o host ng isang dance show. Pero andun pa rin ang excitement, laban lang,” say ni Billy.
Sa hindi nakakaalam, isa sa talent ni Billy ay ang pagsasayaw, child star palang ay nakitaan na siya ng angking galing sa paghataw.
***
INAMIN ng hot sexy momma na si Jamilla Obispo na hindi ganun kadali ang nangyaring transformation ng kanyang career. Mas daring at palaban si Jamilla ngayon kumpara noong nagsisimula palang siyang magpaseksi ilang taon na rin ang nakalilipas.
Ngayon ay isa na siyang ina na may teenager na anak at sumabak si Jamilla sa mapangahas na role na nakipasabayan siya sa daring scenes kay Angeli Khang na much younger than her, sa Vivamax original serye na “Wag Mong Agawin Ang Akin” na streaming now sa lahat ng Vivamax App. Bukod kina Angeli at Jamilla ay join din sa cast sina Felix Rocco Jr, Josef Elizalde, Angelica Cervantes, Lara Morena, Archie Adamos, Julio Diaz, Isadora at Arron Villaflor.
Say ni Jamilla, hindi naging ganun kadali para sa kanya na gumawa ng isang intimate scene lalo na sa sitwasyon niya ngayon.
“Of course, napakahirap mag-hubad, it takes a lot of courage and brave way to do that. Kumbaga parang lakas lang ng dibdib, hindi siya madali gawin, napakahirap. “But with the support system, pinadali nila, with the production and everything, pinadali nila ‘yun,” say ni Jamilla.
“This one is more challenging, compared doon sa mga last projects na nagawa ko with Vivamax kasi, mas marami silang aabangan dito. Mas maraming hindi ko naipakita dito compared doon sa last projects ko. Kumbaga, mas bongga ‘to. As in, ‘yun ang masasabi ko, talagang pinaghirapan ang bawat eksena,” ani pa ni Jamilla.
The post Billy mas kabadong contestant kaysa host ng show; Jamilla hirap magpaseksi ngayong ina na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: