Ellen semi-retired na sa showbiz, tutok sa pag-aalaga ng anak; Enrique kinakabog sa sobrang closeness nina Liza at James
Ni JOVI LLOZA
NAGSIMULA ang desisyon ni Ellen Adarna na magbabu na sa showbiz dahil meron itong priorities sa ngayon ayon sa kanyang latest Vlog.
Gusto raw nito matutukan ang anak kay Lloydie na si Elias. Bukod naman sa pagpapaligo ay nasusubaybayan nito ang anak na si Elias hanggang sa pagpapalit ng damit at sa pagtulog ng anak.
Kaya naman no full time for showbiz na ang peg ni Ellen na suportado naman ng mister na si Derek Ramsay.
Di na nga ubra sa kanya na mag fulltime sa showbiz dahil na rin sa anak, hanggang guesting na lang daw ito.
Sinimulan na nga ni Ellen ang guesting sa TV game show na Family Feud at The Wall. Hanggang doon lang si Ellen di na ubra sa kanya na magkaroon ng project tulad ng serye or sitcom. At okey na sa kanya ang guesting at mga commercials ad.
Matapang din sinagot ni Ellen ang isang tanong kung plano na ba nitong bigyan ng anak si Derek at bumuo na sila ng sariling pamilya.
Malabo pa raw sa ngayon na magkaroon sila ng anak ni Derek dahil sa contraceptive na IUD.
Bibigyan naman daw ng sexy actress ng anak si Derek pero di pa raw sa panahon ngayon.
***
SUPER mega close na nga sina James Reid at Liza Soberano. Nag-trending kamakailan lang ang picture sa social media na magkasama ang dalawa sa isang beach sa Hawaii. Meron din larawan na kumakain sa fave food chain niya si James.
At may isa pang larawan na napansin ng netizens na tila magkahawak ang kamay ng dalawa habang nakatalikod.
Kaya naman samu’t saring reaksyon ang pics na kumakalat ngayon sa socmed na magkasama sina Liza at James.
Ayon sa netizens ay tila nadadalas na magkasama ang dalawa.
Baka ending nga raw niyan ay maging sila na ang magkarelasyon.
Kaya nagpaalala ang netizen sa bf ni Liza na si Enrique Gil na matakot daw ito. May hiwalayan kaya maganap sa magdyowa?
May sundot pa ang netizen na bagay naman daw sina Liza at James kung sakali. Sa kabila ng mga puna ng netizen sa namumuo raw relasyon kina Liza at James, hinala ng netizen ay dahil sa larawan ng dalawa sa socmed na magkasama.
Well, well, well… ‘Yun na!
The post Ellen semi-retired na sa showbiz, tutok sa pag-aalaga ng anak; Enrique kinakabog sa sobrang closeness nina Liza at James appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: