Facebook

BOC, PDEA, NAIA-IADITG naharang ang P144.3-M shabu mula sa South African passenger

Kumpiskado ang 21.215 kilos ng shabu na may halagang P144,262,000 mula sa isang South African na pasahero sa operasyon ng BOC- Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-agency Anti-Illegal Drugs Task Group noong August 19, 2022 sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City.

Ang pasahero ay dumating mula Doha, Qatar at South Africa bilang port of origin at nabuking ang shabu nang isailalim ang kanyang bagahe sa K9 at x-ray scanning at 100 percent physical examination.

Arestado ang pasahero at inilagay sa custodial investigation ng PDEA at na-inquest sa violation of RA 9165, o Comprehensive Drug Act at RA 10863 o Customs Modernization And Tariff Act (CMTA).

Nagpahayag ng commitment si Bureau of Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na ptotektahan ang bansa laban sa pagpasok ng mga illegal goods.

Tiniyak din ni BOC-NAIA District Collector Mimel Talusan na ipatutupad ang mandatong pagbabantay sa mga borders ng bansa sa pakikipagtulungan ng partner agencies. (JERRY S. TAN)

The post BOC, PDEA, NAIA-IADITG naharang ang P144.3-M shabu mula sa South African passenger appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BOC, PDEA, NAIA-IADITG naharang ang P144.3-M shabu mula sa South African passenger BOC, PDEA, NAIA-IADITG naharang ang P144.3-M shabu mula sa South African passenger Reviewed by misfitgympal on Agosto 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.